Friday , November 15 2024

6 tiklo sa sinalakay na drug den sa Obando

ARESTADO ang anim katao makaraan salakayin ng mga awtoridad ang hinihinalang drug den na minamantine ng binansagang ‘Oca drug group’ kamakalawa sa Obando, Bulacan.

Sa ulat mula kay Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 3 Office Director Gladys F. Rosales, kinilala ang naarestong mga suspek na sina Ronquillo R. San Diego alyas Oca, 52, itinuturong lider ng grupo; Erwin Sotto, 28; Renato San Diego, 30; Roger Espinola, 47; at Ryan G. Beato, 25, pawang residente ng Brgy. San Pascual sa naturang bayan.

Ayon kay Rosales, ang mga suspek ay naaktohan ng PDEA personnel habang sumisinghot ng methamphetamine hydrochloride (shabu) sa sinalakay na bahay ni San Diego sa bisa ng search warrant na inisyu ng korte. Sa report ni Rosales kay PDEA Director General Usec. Arturo Cacdac Jr., ang raiding team ay nakakompiska nang mahigit sa 55 gramo ng shabu na may P19,000 street value at drugs paraphernalia.

About Micka Bautista

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *