Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jillian si Regine ang tutor sa pagkanta

KASAMA si Jillian Ward sa bagong serye  ng GMA 7 na Poor Senorita na bida si Regine Velasquez. First time ng magandang child star na makatrabaho ang Asia’s Songbird. Pero bago pa ang kanilang serya ay nakilala na ni Jillian si Regine. Bumista kasi ito sa set ng serye nila rati na Daldalita.

Natutuwa si Jillian na nakatrabaho si Regine dahil idol niya ito. Katunayan, araw-araw daw niyang pinakikinggan ang mga kanta ni Regine.

Gaya ni Regine, mahusay ding kumanta si Jillian. At aware roon si Regine kaya binibigyan niya ng payo at tips sa pagkata si Jillian.

Kuwento ng dalagita, ”Mag-practice lang daw po ako araw-araw.

“’Yun lang daw po, mag-practice po ako ng mga kanta para raw po marami akong alam na kanta. 

“Tapos iyon po, practice lang daw po, para daw po yung boses ko raw po, mas maalagaan ko,” sabi pa ni Jillian.

Jef, patay na patay kay Dominic

KASAMA si Jef Gaitan sa bagong serye ng ABS-CBN 2 na  Super D na bida si Dominic Ochoa. Gumaganap siya rito bilang si Apple na anak ni Atoy Co na laging naka-green.

Sa serye ay patay na patay siya kay Super D as in super inlove siya.

Bukod sa Super D, busy din si Jef sa shooting ng indie film na Pagkatapos ng Umaga mula sa sa direksiyon ni GM Aposaga. Gumaganap siya rito bilang si Ma’am Alicia, isang maarteng guro sa isang baryo. Naturingang guro pero hindi naman marunong mag-English. 

Sa ngayon ay loveless si Jef. Ang huli niyang nakarelasyon ay si Alex Castro. Kahit hiwalay na raw naman sila ng aktor ay magkaibigan pa rin naman daw sila.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …