Sunday , December 22 2024

Digong makamahirap ba?; Seguridad kay Cong. Sandoval

TOTOO nga bang kontra-krimen ang presidential candidate na si Davao City Mayor Rodrigo Duterte?

Marahil, kung pagbabasehan ang mga pahayag ng alkalde at mga napaulat na kontra krimen ang mama.

Pero ayon sa isang grupo tila taliwas ang lahat dahil unti-unting natutuklasan ang tunay na anyo ng kandidatura ni Digong. Gano’n? Anong klaseng anyo naman iyan?  Horror ba? Hehehehe.

Hindi raw pakikipaglaban kontra krimen ang anyo ni Duterte kundi kontra sa maliliit na sektor ng mga Filipino – mahihirap at walang kapangyarihan.

Sa bawat rape joke na parang balewala kay Digong, ang pang-aabuso sa mga kababaihan ay nagagawa niyang pangkaraniwan lamang at napapatahimik niya ang mga biktima.

Malinaw sa talumpati ni Mayor sa isang campaign rally sa Quezon City nang ikuwento niya ang tungkol sa isang Australian missionary na ginahasa at pinatay: “Nagalit ako kasi ni-rape, oo, isa rin ‘yon. Pero napakaganda, dapat Mayor ang nauna. Sayang.” Ang paraan ng pagsasabi ng Mayor sa kanyang biro ay kapareho ng pagmamalaki kung paano gahasain ng isang superior ang kanyang biktima, ang panggagahasa ng isang guro sa kanyang estudyante.

Anang grupo, hindi na nila ikinagugulat – sa simula pa lamang ng kanyang kampanya, maliwanag na hindi nabibigong maiparating ni Duterte ang kanyang macho leadership ngunit nagagawa niya rin yurakan ang karapatan at dignidad ng maliliit na sektor.

Noon lamang nakaraang linggo, tinawag niya si Sec. Mar Roxas na ‘bayot’ para ipaliwanag ang kawalang kakayahan ng Kalihim na puksain ang krimen sa bansa. Muli, sabi ng grupo kung suriin ay para bang walang kakayahan ang LGBTs.

“Kami, ang mamamayang liberal, na binubuo ng mga kababaihan, kabataan, manggagawa, magsasaka, mangingisda at sektor ng mahihirap sa kalunsuran ng Liberal Party, ay tahasang kinokondena ang walang habas na paglabag ni Mayor Duterte sa mga karapatan at dignidad ng mga kababaihan, mga bata, mahihirap, LGBTs at persons with disabilities (PWDs) at mga may karamdaman. Walang darating na pagbabago para sa kabutihan ng bansa kung magdurusa naman ang maliliit na sektor ng ating lipunan,” pahayag ng grupo.

***

Kontra kriminalidad para sa seguridad ng mga taga-Malabon at pagsugpo sa paglaganap ng droga. Ito ang isa sa prayoridad ni Cong. Ricky Sandoval para sa kanyang constituents na kanyang naumpisahan na.

Meaning, paiigtingin niya pa ito sa paglalaan ng pondo. Naniniwala ang mambabatas na ang paglalagay ng CCTV sa mga lansangan ng Malabon ay malaki ang maitutulong. Bukod dito, susuportahan pa niya ang pagbili ng mga sasakyan para sa pulisya ng lungsod, makabagong communication equipments at iba pang gamit para tuluyang makamit ang kapayapaan at kaayusan sa Malabon.

Maglalaan din siya ng pondo para sa mga ambulansiya na kompleto ang gamit para sa pagsasagip ng buhay.

Bibigyan-pansin ni Sandoval ang para sa kinabukasan ng mga kabataan sa pagkakaroon ng scholarship sa kolehiyo at sa TESDA para sigurado silang magkakatrabaho at makaaahon sa kahirapan. Nandiyan din ang plano ng mambabatas na magtatayo ng Science high school at vocational-technical schools na huhubog sa mga kabataang taga-Malabon. Popondohan niya ang modernong audio-visual rooms sa mga pampublikong paaralan sa Malabon. 

Matatandaan, maraming informal settlers ang nabigyan ni Sandoval ng pabahay – dinala sila sa Panghulo (Karisma Ville). Ang nagawa niyang ito ay kanya pa ring isusulong – ang in-city relocation ng informal settlers para manatili sila sa Malabon malapit sa lugar ng kanilang trabaho gayon din sa mga paaralan para sa kanilang mga anak.

About Almar Danguilan

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *