Sunday , December 22 2024

Lim-Atienza una sa PMP Survey; PDEA buhay pa ba?

TAPOS na ang halalan sa Maynila…at may panalo nang alkalde at bise alkalde.

Panalo sa pagka-alkalde si Alfredo Lim habang si Kon. Ali Atienza sa bise alkalde.

Bakit naman sila ang panalo kung salaking ngayon ginawa ang halalan? Ang dalawa ang nanguna sa pinakahuling survey na ginawa sa lungsod Maynila.

Sa survey, si Lim ay nakakuha ng 42% habang sina Bagatsing (29%) at Joseph “Erap” Estrada, nakakuha ng 27%.

Sa Vice Mayor, pinakain ng alikabok ni Ali ang kanyang mga katunggali matapos makakuha ng 61% —sina Honey Lacuna (19%); Atong Asilo (14%) at Tricia Bonoan (5%). Tsk tsk tsk… katunayan lamang ito na gusto ng mga taga-Maynila ang makataong paglilingkod sa kanila nina Lima at Atienza.

Heto nga raw ang nakatutuwa. Ang kampo ni Erap ang nagpa-commission ng survey sa pamamagitan ng Partido ng Masang Pilipino. Totoo ba ito PMP?

Sina Lim at Atienza, hindi man magkapartido, magkakampi at magkasangga, silang dalawa ang gusto ng Manilenyo na mamuno sa lungsod.

Kilala si Lim noon bilang “Dirty Harry” sa kampanya niya laban sa droga at kriminalidad. Bumaba noon ang crime rate sa Maynila sa panahon ni Lim. Kay Ali, nakita at naramdamdaman  ng Manilenyo ang tunay na malasakit at proteksiyon para sa maraming sektor ng mamamayan – mula sa manininda, pedicab drivers, kababaihan, mga lolo at lola, taxpayers at hanggang sa mga mag-aaral na kabataan ay may inilaang tulong at ayuda si Ali na nakatutulong nang malaki para sa mga magulang.

***

BINUWAG na ba ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), ahensiya ng pamahalaan na pangunahing dudurog sa malalaking sindikato ng droga sa bansa? Buhay pa naman daw sabi ng ilan kasamahan sa hanapbuhay pero, ba’t tila wala tayong nababalitaang malalaking huli ang ahensiya? Mabuti pa ang Quezon City Police District (QCPD), panay ang operasyon laban sa malalaking sindikato ng ilegal na droga sa bansa na kumikilos sa Metro Manila. Left and right ang operasyon ng QCPD District Anti-Illegal Drugs (DAID) na pinamumunuan ni Chief Insp. Enrico Figueroa, katuwang ang District Special Operation Unit (DSOU) na pinamumunuan naman ni Supt. Jay Agcaoili.

Sa pinakahuli nilang operasyon last week, hindi lang isang kilo ang kanilang nakompsika sa apat na dayuhang drug dealers/couriers kundi 75 kilong shabu na nagkakahalaga ng P375 milyon. Siyempre ang mga matagumpay na operasyon ay bunga na rin ng pinaigting na direktiba ni Chief Supt. Edgardo G. Tinio laban sa pagkakalat ng ilegal na droga sa lungsod. Hindi ba isang sampal ito sa PDEA? Tuloy ang tanong natin diyan ay buhay pa nga ba ang PDEA? Heto pa, Sabado, Abril 23, 2016 – sampal na naman sa PDEA ang operasyon ng NCRPO Regional Anti-Illegal Drugs (RAID) na pinamumunuan ni Chief Insp. Roberto Razon.

Sa operasyon ng RAID, pitong drug dealer ang nakompiskahan ng 20 kilong shabu na nagkakahalaga ng P100 milyon.

Congrats Maj. Razon maging sa mga bataan mo lalo na si Insp. Garcia na nanguna sa operasyon.

Sa pamunuan ng PDEA, anong masasabi ninyo? Nasaan na ang bakal a kamao ninyo laban sa ilegal na droga. Ubos na ba ang pondo ng ahensiya kaya tila natutulog na lamang kayo sa pansitan?

Gumising naman kayo PDEA. Gamitin ninyo ang pondong nakalaan laban sa mga salot sa bansa.

About Almar Danguilan

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *