Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sylvia, ‘di alam ang gagawin ‘pag nakaharap na ang ama

HINDI alam ng isa sa main cast ng ABS-CBN newest teleserye, My Super D na siSylvia Sanchez ang gagawin kapag nakita niya o nakaharap na niya ang tatay niyang nag-abandona sa kanila noong bata pa sila.

Ayon nga kay Sylvia, ”Alam mo iniisip ko ‘yun, ano ang sasabihin ko sa tatay ko.

“Alam mo sa totoo lang hindi ko alam, wala basta ang alam ko hahagulgol ako,  ‘yun lang.

“Kasi miss ko siya hangang ngayon, hoping ako na magkita kami.

“Hoping ako na mayakap siya, hoping ako na maramdaman ‘yung sinasabi nila, ‘yung positibo na nayayakap, na sinusundo. Never ko kasi na naranasan ‘yun.

“Basta ngayon wala akong ibang hinangad kung hindi gusto ko siyang makita, gusto ko siyang mayakap.

“Wala ng sumbatan sa nakaraan, wala ng ‘bakit mo kami iniwan’, ‘bakit ganito’, ‘bakit ganoon’.

“Tapos na kasi ‘yun, ‘yun nga kasi ang naging lakas ng loob ko, dahil nga sa ginawa niya naging okey ang buhay ko, nagpursige ako sa buhay, naging successful ako dahil doon sa kanya.

“Kumbaga sabi ko nga broken family ako, pero hindi ako naging gago na anak.

“’Yung sabi ko ‘di ba, hindi reason sa akin na dahil broken family ka kaya ka napapariwara, kaya nagiging gago ka sa buhay, hindi totoo ‘yun nasa pagkatao mo ‘yun.

“Choice mo ‘yun, choice mo kung ano ang magiging kinabukasan mo, kaya wala kang ibang sisisihin kung hindi sarili mo,” mahabang kuwento ni Ibyang (tawag kay Sylvia).

UPGRADE dinumog sa Bambang, Nueva Vizcaya

NAGING matagumpay ang show ng tinaguriang Trending Cuties at Group Internet Sensation, ang UPGRADE sa kapistahan ng Bambang, Nuev Viscaya noong April 15 hatid ng TM at ng HEA Watch.

Mistulang nag-concert ang Upgrade na kinabibilangan nina Miggy San Pablo,Casey Martinez, Rhem Enjavi, Armond Bernas, Mark Baracael, at Ivan Latsa kanilang production number ng N Sync medley.

Habang kinilig naman nang husto ang mga kababaihan ng Bambang, Nueva Viscaya nang haranahin sila sa pamamagitang ng awiting Simpleng Tulad Mo niDaniel Padilla.

Inawit din ng Upgrade ang kanilang carrier single na Because of You mula sa kanilang debut album na UPGRADE Unstoppable .

Nagpapasalamat ang grupo sa pamunuan ng TM na sina Sir David at Ma’am Jack at kay Ms Rosiebeth Padua ng HEA Watch/ Unisilvertime.

MATABIL– John Fonatanilla

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …