Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pagkawala ng show ni Robin, pinanghihinayangan

NGAYONG nawala na ang game show ni Robin Padilla at saka naman marami ang nanghihinayang na nawala iyon. Ngayon nila na-realize na hindi lang pala entertaining ang show, kundi nakatutulong pa sa mga barangay na nadadalaw niyon. Eh kasi naman, bakit noong may show pa ay hindi nila pinanood. Natural hindi tumaas ang ratings at ano nga ba ang maaasahan mo kundi masisibak iyon.

Pero may palagay kami na ang panghihinayang ay hindi talaga dahil sa show kundi dahil sa gumandang image ni Robin. Hindi maikakaila na naging bukambibig na naman ang pangalan ni Robin matapos na tumulong at nagbigay ng bigas sa mga nagugutom na magsasaka sa Kidapawan. Lalo siyang napag-usapan nang mabanggit pa ni PAO Chief Persida Acosta na isa siya sa maraming mga artistang tumulong para mapiyansahan ang mga magsasakang ikinulong pa at kinasuhan ng assault, kabilang ang isang 78 taong gulang na babae. As if makaka-assault pa iyong matanda.

Iyong ginawang pagtulong ni Robin, na mabilisan at sa tamang panahon ay hindi nakita ng mga kababayan natin sa kahit na sinong opisyal ng gobyerno, na ang iba ay sinisi pa ang nagugutom na mga magsasaka kung bakit nag-rally pa at pinagbintangan pang mga komunista. Isipin ninyo, maski nga raw si PNoy hindi alam na nagkamatayan na sa Kidapawan until after four days.

Wala naman sigurong ambisyong political si Robin sa ngayon. Pero talagang ginagawa lamang niyang tumulong. Maganda naman iyan para sa kanya, pero kailangan maging maingat na nga siya sa kanyang ginagawang ganyan. Natatandaan pa ba ninyo noong kamuntik na rin siyang ma-hostage ng Abu Sayyaf at pinayagan lang na umuwi noong magkapagbigay na siya ng bigas at mga de lata roon.

Minsan delikado din naman iyong sugod ka nang sugod, pero sa totoo lang gumanda ngayon ang image ni Robin dahil diyan.

HATAWAN – Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …