Friday , November 15 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Saan ididispatsa ni Leni ang sinabing P.7-M Safari bed na binili niya sa Shangri-La Mall?

MAINIT na pinag-uusapan ngayon sa social media ang naikolum ng inyong lingkod na P.7-M Safari Bed na sinabing binili ni Madam Leni Robredo sa London Bed Company sa Shangri-La Mall sa Mandaluyong City.

Naturalmente, itatanggi niya ito.        

Katunayan ay naghahamon ngayon si Madam Leni na puwedeng bisitahin ang kanyang condo sa Quezon City at bahay nila sa Naga para patunayan na kahit P70,000 na kama ay hindi raw siya bumibili.

Oww com’on!? Napakakaswal na depensa.

Hindi naman kailangan maghamon kung walang katotohanan ang balitang ‘yan ‘di ba?

Ano naman ang masama kung totoong nakabili si Madame Leni nang ganyang kama? She deserves a good sleep naman ‘di ba?

Pero sana huwag kalimutan ni Madam Leni ang kasabihan, kapag may usok, may apoy.

Frank Hudson Leni Bed

Ang gusto natin itanong ngayon, saan ididispatsa ni Madam Leni ‘yang P.7-M Safari Bed matapos niyang maghamon na handa niyang ipasilip ang kanyang condo at ang bahay nila sa Naga?

Hindi natin alam kung gaano kalaki ang condo ni Madam Leni, pero definitely hindi siya maglalagay nang ganyan kamahal na kama sa condo.

Hindi rin sa bahay sa Naga na napakalayo. Maliban kung siya ay umuuwi araw-araw sa Naga sa pamamagitan ng helicopter.

O puwedeng binili na niya pero hindi pa ipinade-deliver?

Hindi pa ipinade-deliver dahil eleksiyon nga o kaya naman ay puwedeng birthday gift sa kanya…

Yes! Malapit na nga pala ang birthday ni Madam Leni…advance happy birthday po!

Pero  malamang hindi pa niya mai-enjoy ang paghiga  sa  kanyang  P.7-M Safari Bed ngayong pumutok na ito at mainit na pinag-uusapan sa social media?            

By the way, totoo ba ang balitang ang request daw ni Madam Leni na birthday gift from her close friends ay bedding accessories?

How true is this?!

Ang tanong tuloy ngayon ng taumbayan, maitago kaya ni Madam Leni sa kanyang ‘laylayan’ ang ‘lihim’ ng P.7-M Safari Bed?

Just asking lang po!

VM RICO GOLEZ UMARANGKADA
PA RIN SA PARAÑAQUE

042016 Rico Golez paranaque

HALOS dalawang linggo na lang, eleksiyon na.

Mayroon mga kandidatong umaarangkada, mayroong mga nagkukumahog, nagpupumilit at mayroong mga banderang kapos.

Sa Parañaque city, kitang-kita na ang pag-arangkada ni Vice Mayor Rico Golez.

(Btw, hindi ko po personal na kilala si Golez pero nakita ko ang kanyang performance dahil taga-Parañaque ako!

Iba kasi ‘yung Rico Golez ‘e, hindi lang tuwing eleksiyon may showing. Kahit walang eleksiyon tuloy-tuloy ang kanyang pagseserbisyo sa mga taga-Parañaque.

Kaya nga sabi ng maraming taga-Parañaque, dapat mag-withdraw na lang ang kanyang katunggali na si Jeremy Marquez.

Tsk tsk tsk…

Nagtataka naman tayo kung bakit ang lakas ng loob lumaban ng anak ni Tsong gayong pinatalsik nga siya sa Association of Barangay Captains (ABC) sa Parañaque.

Hindi kaya karma ang nangyaring ‘yan sa anak ni Tsong na si Jeremy?

‘E may kasabihan nga ‘di ba, kung ano ang itinanim, iyon din ang aanihin?

Araykupo Tsong!

QCPD DAID & DSOU DAPAT TULARAN
NG IBANG PNP ANTI-ILLEGAL DRUG AGENCY

042016 PNP QCPD

IBA talagang magtrabaho ang grupo ni Chief Insp. Enrico Figueroa, hepe ng Quezon City Police District – District Anti-Illegal Drugs (QCPD-DAID).

Muli tayong pinabilib ni Major Figueroa at ng kanyang mga tauhan nang masakote ang P24-milyones shabu.

Masasabi nating, sila ‘yung yunit ng pulisya na 24/7 kung magtrabaho alang-alang sa kaligtasan ng bayan laban sa salot na illegal drugs.

Kumbaga, jingle at power nap lang ang pahinga.

Nitong Abril 17, araw ng linggo, dakong 6pm naman nang makatimbog muli sina Major Figueroa at Supt. Jay Agcaoili, hepe ng QCPD–District Special Operation Unit (DSOU) ng P375-milyon shabu.

Naaresto rin ang dalawang demonyong bigtime drug dealers na tubong Taiwan at China sa parking lot ng isang food chain sa Philcoa, Quezon City.

Naaresto sila matapos makompiskahan ng 75 kilong shabu na nagkakahalaga nga ng P375 million.

Diyan tayo pinabilib ng PNP-QCPD.

Bigtime illegal drug operations ang binibigo nila alang-alang sa kinabukasan ng bayan.

Tayo po bilang anti-illegal drug advocate ay personal na natutuwa sa ginagawang ito ng QCPD-DAID at DSOU.     

Congratulations Chief Supt. Ed Tinio, Supt. Agcaoili at Major Figueroa…

Mabuhay kayo!

TRILLANES: DETERMINADO AKONG TAPUSIN
ANG LABAN AT MANALO BILANG BISE-PRESIDENTE

042016 trillanes

Sa gitna ng mga bali-balitang nagpadala umano ng emisaryo si Nacionalista President Manny Villar kay tumatakbong bise presidente  Antonio Trillanes IV, upang pakiusapan na magparaya para sa pagtakbo ng isa pang kandidato sa pagkabise-presidente na si Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos, inilinaw ni Trillanes na walang katotohanan ang balita, tuloy pa rin ang kanyang pagtakbo bilang bise-presidente.

“Hindi ako aatras. Determinado akong tapusin ang laban at manalo bilang Bise-Presidente.”

“Mas matindi at mas mahirap pa ang mga pinagdaanan ko noon, pero kahit kailan ay hindi ako tumalikod sa aking mga laban. Nang ako’y magdesisyong tumakbo bilang bise-presidente, alam kong hindi ito magiging madali. Ngunit dahil sa walang patid na tiwala at suporta ng aking pamilya, mga kaibigan, at ng ating mga kababayan, patuloy akong naniniwala at nagtitiwala na makakamit natin ang tagumpay sa VP race,” ani Trillanes.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *