BUKOD sa pagkakaroon ng bagong bahay at expensive car, pinasok na rin ng Pambansang Bae na si Alden Richards ang pagnenegosyo via Cafe na matatagpuan sa Cliff House Tagaytay, ang Concha Garden Cafe.
Matagal-tagal na raw kasing gustong magnegosyo ni Alden kaya naman ngayong sunod-sunod ang kanyang proyekto ay minabuti na niyang mag-invest sa business.
Hands on at very excited na si Alden sa kanyang bubuksang negosyo kahit na sobrang busy ito sa rami at sunod-sunod na trabaho. Paghahanda na rin daw ito sa kanyang future.
MATABIL – John Fontanilla