Friday , November 15 2024

Walang katalo-talo si Mayor Fresnedi sa Muntinlupa City

WALA nang makaaawat pa kung muling mahalal na alkalde sa ikalawang termino ang incumbent mayor sa Muntinlupa City na si Atty. Jaime “Jimmy” Fresnedi sa darating na May 9 (2016) elections.

Iyan ang nakikita ng mga mahilig magmasid sa politika sa lungsod ng Muntinlupa.

Isa sa malaking dahilan para muling mahalal na mayor sa Muntinlupa si Fresnedi ang magandang pamamalakad niya sa loob at labas ng city hall ng Munti.

Kung impraestruktura, ekonomiya, kabuhayan, edukasyon, kalusugan, pakikibaka sa krimen, pakikibaka sa illegal na droga ang pag-uusapan sa Munti, ito ay patuloy na ipinatutupad ni Fresnedi sa iba’t ibang barangay sa lungsod. Peace and order ang prayoridad niya sa lungsod ng Muntinlupa.

Katuwang din ni Fresnedi sa pagpapaunlad ng Muntinlupa ang congressman na si Pong Biazon.

Kaya ang katunggali ni yorme sa mayoralty race sa Muntinlupa ay nawawalan na ng pag-asang maagaw pa ang trono kay Fresnedi. Lagi silang nakatingala sa langit.

Reporma sa trade and commerce sa Munti

ILANG miyembro at opisyal ng organisayon ng mga Muslim vendors sa lungsod ng Muntinlupa ang bumisita sa lokal na pamahalaan para pag-usapan ang ilang reporma ukol sa “trade and commerce” para sa mga kapatid na Muslim noong Abril 15.

Ipinapatupad ni Mayor Jaime Fresnedi ang isang “inclusive economic growth” kasama ang lahat ng sektor sa pag-unlad.

Sumaksi sa usapan sina Business Permits and Licensing Office director Gary Llamas at Muntinlupa Traffic Management Bureau chief Danidon Nolasco.

Naduwag ba sina Bongbong at Gringgo?

SA vice presidentiable debate na isinagawa sa compound ng ABS-CBN, hindi nakadalo sa debate sina Bongbong Marcos Jr., at Gringgo Honasan.

Ang humarap sa debate ay sina Antonio Trillanes, Allan Peter Cayetano, Leni Robredo at ang anak ng Sorsogon, ang makatang si Chiz Escudero.

Nawalan ng sigla ang debate dahil wala si Bongbong.

Padaplis lang!!! Election period, humahataw ang 1602

HINDI pa raw umaaksiyon ang Batangas City-PNP sa dalawang magkakahiwalay na pasugalan ni gambling lord Ester na nasa Barangay Tabangao proper at sa Barangay Banaba sa nasabing bayan.

Lulong na raw ang mga manunugal sa kasusugal ng beto-beto, baklay, color games at dropballs. Kailan daw aaksyon ang Batangas City-PNP?

Sa poblacion ng Noveleta, Cavite ay nagpalatag naman ng pergalan sina Jayson at Baribel. Apat na mesa ng color games at isang mesa ng dropball.

Sa Arcadia Subdivision, Dulong bayan, Bacoor City, si Nenita ang may palatag ng salot na sugal lupa. Iba pa ang nasa Queensrow ng Bacoor.

About Mario Alcala

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *