NAKAGUGULAT at nakadedesmaya ang ibinalita sa amin ng aming kaibigang concert goer ukol sa hinahangaan at pinagkakaguluhan ngayong actor. Nangyari ito sa concert ng isang foreign singer kamakailan.
Umano’y kitang-kita niya ang pagbibigay o pagsubo ng ecstacy sa kaibigan niyang dating nakasama sa bahay.
Kasabay siyempre ng pag-inom ng nasabing pill ay ang paglaklak ng alak na ginawa nila sa comfort room.
Sa naturang concert ay naroon din ang sinasabing GF ni actor, hindi lang namin alam kung alam ni GF ang ginawang iyon ng kanyang poging actor.
O binibigyan din kaya si GF ni poging actor ng pill? ‘Wag naman sana.
( Hataw News Team )