Friday , November 15 2024

Kandidatong walang proclamation rally sa Pasay City

HANGGANG sa kasalukuyan ay hindi pa pala nakapagsasagawa ng sariling proclamation rally ang isang kandidatong mayor sa lungsod ng Pasay.

Bukod sa wala nang balak na magsagawa ng proclamation rally, dalawa pa raw ang dala-dala nitong presidentiable candidates sa Pasay, si Jojo Binay ng UNA at Grace Poe na isang independent candidate.

Isa raw iyan sa dahilan kung bakit ang ilan sa kanyang kaalyadong oposisyong konsehal ay nagkanya-kanya nang lakad o pangangampanya sa lungsod ng Pasay. Wala raw kasi silang maaasahang tibay.

Naku po!!! Kaya naman pala ang pula’t puti, orange, violet sa Pasay ay nakihalo na sa kulay green sa panahon na nagdeklara ng motorcade at proclamation rally ang CALIXTO TEAM na pinangungunahan ni incumbent city Mayor Tony Calixto at incumbent congresswoman Emi Calixto Rubiano may ilang araw na ang nakararaan.

Sa larangan ng politika, napakahalaga sa isang kandidato ang magsagawa ng proclamation rally o motorcade sa kanyang munisipalidad. Napakalaki nga lamang ng gastos. Dapat ay mayroon din siyang matatag na political party na ipinakikilala sa bayan at sa mga botante. Hindi ko na babanggitin kung sino siya?

Naka-step forwards na si Tony Calixto

Malayong-malayo siya kay Mayor Calixto na mayroong mahuhusay na political advisers, campaign managers, political organizers at coordinators.

Dahil kompleto sa political machineries, mabilis na naipakilala ni Mayor Calixto sa bayan at sa mga botante ang kanyang liderato at estilo niya sa politika sa Pasay.

‘Ika nga, naka-two step forwards na agad ang Calixto Team kontra sa kanilang kalaban sa politika sa Pasay.

Samantala hindi naman nagkakalayo sa datus ng independent survey ang vice mayoralty candidate na sina Marlon Pesebre at ang bagitong si Boyet del Rosario. Kumikikig daw si Boyet habang papalapit nang papalapit ang election.

Ding Santos pasok sa 1st District sa Pasay

PASOK na sa 1st district ng Pasay City ang ating longtime friend na si Ricardo “Ding” Santos na sa kasalukuyan ay kandidatong konsehal sa naturang distrito.

Sipag at tiyaga ang magpapanalo kay Ding sa darating na May 9 elections.

Ayon kay Kuya Ding, buo pa rin ang naitatag niyang “Kaibigan” sa lungsod ng Pasay na may 17 taon na niyang ipinaglalaban simula nang siya ay lumahok sa larangan ng politika.

Ang kahilingan ni Ding sa kanyang constituents sa 1st district ng Pasay, huwag nilang kalilimutang hanapin sa opisyal na talaan, balota ng mga kandidatong konsehal ang pangalan niya na may numerong (17).

Take Note: Napakadaling hanapin ang No. 17.

Peace Covenant pinangunahan ni Mayor Fresnedi Sa Munti

BILANG bahagi ng Secure and Fair Election (SAFE) campaign, dumalo si Mayor Jaime Fresnedi sa Peace and Covenant Signing ng mga lokal na kandidato sa eleksiyon na ginanap sa Our Lady of the Abandoned Church sa Barangay Poblacion, Muntinlupa City noong Marso 7.

Ang peace and covenant signing ay inorganisa ng Commission on Elections, Muntinlupa City Police Station, Civil Military Operations Battalion, Philippine Army, at Parish Pastoral Council for Responsible Voting.

Ang programa ay naghihikayat sa mga kandidato na panatilihing mapayapa at maayos ang paparating na eleksiyon.

Natapos ang Peace Covenant Signing ng mga kandidato sa pagpapalipad ng mga lobo at sa isang salo-salong boodle fight.

Sa Muntinlupa, dalawang kandidato sa pagka-alkalde rito ang naglalaban. Ang anak ni Mang Tomas na tinalo na ni Mayor Fresnedi noong 2013 local elections.

Ang anak ni Mang Pong na si Ruffy Biazon, sureball na ang pagkapanalo sa pagka-kongresista sa Muntinlupa.

Sureball na sureball na ang Team Fresnedi sa Muntinlupa.

About Mario Alcala

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *