Sunday , December 22 2024

Unemployment prayoridad ni Ali sa Maynila

MILYON nga ba o daan libong magtatapos o nagtapos na ang masasabing maidaragdag sa bilang ngayon ng unemployed sa bansa?

Ano man ang bilang ng malinaw na maidaragdag sa talaan ng tambay, isa lang ang nakikitang dapat na gawin ng pamahalaan, tulungang makapagtrabaho ang newly graduates. Lamang, tila isang malaking problema ito dahil hanggang ngayon, marami-rami pa rin sa mga nagtapos nitong 2015 ang tambay pa rin dahil sa hirap ng oportunidad.

Pero kung talagang gugustuhin ng pamahalaan na aksiyonan ang nasabing suliranin, kayang-kaya ito ng gobyerno lalo na kung patitibayin ang pundasyon ng pamahalaan at kung magiging sinsero sa pagtulong at paglutas sa unemployment problems.

Ang nangyayari kasi, hindi kayang panindigan ng kasalukuyang pamahalaan o administrasyon ang kanilang mga binibitiwang salita at pangako sa mga unemployed na magkakatrabaho. Sa halip, pulos pangako at papogi lang ang PNoy government.

Pero iba si Ali Atienza, tumatakbong Vice Mayor ng Maynila, aniya dapat ay tumatayo at manindigan ang isang halal ng bayan para sa kanyang constituents upang matulungan sa kanilang mga pangangailangang sibil.

“Sa ngayon ang unang nakikita kong problema ay trabaho, hanapbuhay. Marami talagang naghahanap ng trabaho ngayon, kaya dapat magkaroon tayo ng batas, para matulungan sila – ang mga taga-Maynila na magkaroon ng trabaho at hanapbuhay. Maraming negosyo dito, so doon pa lang, kung matutulungan natin sila, sigurado na ang problema sa trabaho ay mapapaliit natin. Mayroon tayong mga koneksiyon sa  government agencies at non- government agency na sa tingin ko makatutulong sa kanila,” pahayag ni Ali.

Panukala din ni Ali na magpasa ng isang City Ordinance na mag-aatas sa lahat ng mga business establishments at kompanya sa lungsod Maynila na  gawing  80% sa  kanilang mga empleyado ay nagmula o residente ng Maynila.

Maglalaan din ng mga portion ng employees para naman sa Senior Citizen at Persons with Disablity (PWD).

Kung matatandaan, noong panahon ng kanyang ama na si Lito Atienza bilang Mayor ng Maynila, si Ali ang nagpasimula ng pakikipag-ugnayan sa mga government at private agencies upang magbukas ng mga bakanteng posisyon sa kanilang mga kompanya at dito nagsimula ang pinagsamang mga kompanya na tumatanggap ng bagong empleyado. Ito ngayon ang tinatawag na ‘Jobs fair’ na naging uso at karaniwang ginagawa sa iba’t ibang lugar.

Sabi ni Ali, sa taas ng volume na pumapasok na trabaho sa Maynila, kadalasan ang natatalo ang mga taga-Maynila rin – sila ang nawawalan ng trabaho.

Kaya ani Ali, “It’s about time na magkaroon ng batas na magprotekta o to implement a law na dapat ang priority nilang maging empleyado ay taga-Maynila. At sa pamamagitan ng batas na iyan ay mababawasan ang employment rate within the next 3 years.

Siguro naman hindi na kailangan pang maging college level/graduate para maging isang bagger at cashier. At dapat, ang gobyerno ay magkaroon din mh programa para sa trabaho. Sa mga hindi naman nakapagtapos puwede natin silang bigyan ng trabaho kahit pagwawalis o paglilinis sa kapaligiran ng Manila dahil tulad dati nang ginawa natin bilang chairman ng Manila employment.

Maraming puwedeng gawing trabaho, hindi lang naman kailangan lagi ‘yung matatalino. Maraming puwedeng gawin, dahil napapaganda mo na ang city mo makakatulong ka pa,” dagdag ni Ali.

Kapag naging Vice Mayor ng Maynila si Ali, wala nang kakaba-kaba ang newly graduates at mga walang trabaho dahil si Ali ang gagawa ng paraan upang maibsan ang unemployment problem sa Maynila.

About Almar Danguilan

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *