Friday , November 15 2024

May hidden agenda ba sila?

MAY katanungan na dapat sagutin ang pamunuan ng Philippine National Police tungkol sa apat na general na nakitang dumalo sa meeting ng Liberal Party sa isang hotel sa Quezon City.

Dapat rin alamin ng Commission on Elections kung may nilabag ang apat na heneral o kung ito ay may kaugnayan sa ‘election offense.’

He he he…

Ano kaya ang ginagawa nila sa meeting ng LP sa naturang hotel?

Sinasabing tatlo sa apat na heneral ay kasalukuyang humahawak ng sensitibong posisyon sa Philippine National Police (PNP). Ang ika-limang heneral ay baka saling-pusa na lang dahil retirado na siya sa PNP.

May nagsasabing ang apat na aktibong PNP officials ay naka-assign sa malalalayong probinsiya, may naka-assigned sa Southern Tagalog region, sa Western Vizayas, sa Cagayan Valley at sa Camp Crame.

Naghahabol sina Binay, Roxas

HABANG nalalapit ang presidential election ay naghahabulan naman sa datos ng survey ang dalawang kandidato sa pagka-presidente na sina Vice President Jojo Binay ng UNA at dating DILG Secretary Mar Roxas ng LP.

Sa mga huling survey na naglabasan, ang independent presidential candidate na si Senator Grace Poe at Davao city Mayor Digong Duterte ang naghahabulan sa 1st at 2ndplace para makarating sa palasyo ng Malacañang, habang ang kanilang katunggali na sina Binay at Roxas ay naghahabulan.

Sa huling survey ng Pulse Asia, ang anak ng Panday na si Poe ang nangunguna sa 2016 presidential race.

Kapag naungusan sila ni Poe sa May 9, baka mauso na ang kantang “I’m Sorry my Love.”

Nagpakatotoo si Kim Wong

IPINANGAKO ng junket casino operator na si Kim Wong na sa loob ng 15 to 30 days ay isasauli niya sa AMLC at sa Bangko Sentral ang halagang P450 million na bahagi ng kanyang sinabi sa isinasagawang imbestigasyon ng senado.

Si Kim Wong ay ilan lamang sa iniimbestigahan ng senado tungkol sa ninakaw na US81 million dollars mula sa banko ng Bangladesh.

Ang tanong, ilang araw na lang ang nalalabi sa isinasagawang imbestigasyon ng senado, hindi pa rin natutuklasan ng mga senador kung nasaan ang missing 18 million US dollars?

Crooked Gambling sa Laguna

TEKA, sa boundary ng Barangay Real sa Calamba City, Laguna ay naglatag na naman ng pergalan ang mga peryantes ni Babes Panganiban.

Sa Barangay Soro-soro, ang lagi daw pinupuntahan ng mga kabataan sa isang bakanteng lote ay dalawang mesa ng color games at isang mesa ng dropball na pag-aari ng banker na si Anita.

Sa Barangay Dita sa Sta. Rosa City, Laguna, ayaw nang iwanan ni Aklan ang kanyang pasualang puesto pijo sa nasabing barangay.

About Mario Alcala

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *