NAPAKASUWERTE ng pusang si Cupcake. Ang Siamese ay himalang nabuhay makaraan ang walong araw sa loob ng maliit na kahon nang aksidente siyang maipadala sa koreo ng kanyang amo.
Hindi napansin ni Julie Bagott ang pusa habang natutulog sa loob ng parcel nang siya ay nag-iimpake ng DVDs sa kanyang bahay sa Falmouth, sa southwest England. At pagkaraan ay inihulog ang kahon sa mail box.
Makaraan bumiyahe ng 260 milya, si Cupcake ay dumating sa Worthing, West Sussex, sa kabilang bahagi ng bansa.
Nagulat ang tumanggap ng package nang buksan ang kahon at matagpuan ang cute na pusa kasama ng DVDs na kanilang binili.
Si Cupcake ay takot na takot, ninenerbiyos at uhaw na uhaw, ayon sa ulat ng Evening Standard.
Siya ay dinala sa Worthing’s Grove Lodge Veterinary Group para masuri at kinilala sa pamamagitan ng kanyang microchip.
“Everyone was delighted and even more so when we found that the contact details were up to date and we were able to contact her owners straightaway,” ayon sa vets.
“They had been frantically searching for their beloved cat, putting up posters in the local area but not for one second realizing that she had been accidentally posted to an address in West Sussex, more than 260 miles away!”
Si Cupcake ay muling natagpuan ng kanyang naluluhang amo. “I feel terrible about what’s happened, you know,” pahayag ni Baggot sa BBC South Today.
“I mean, I put everything in the box and I sealed it straightaway, so I don’t know how she managed to get in there,” dagdag niya.
”It was a miracle because she was alive, she’s managed to survive that awful ordeal.” ( THE HUFFINGTON POST )