Friday , November 15 2024

Traffic enforcer niratrat sa palengke (Nanakit ng binatilyo)

PATAY ang isang traffic enforcer makaraan resbakan ng pamilya ng binatilyong sinaktan niya sa harap ng Sampol Market sa Sapang Palay, City of San Jose del Monte, Bulacan kahapon.

Sa ulat mula kay Supt. Renier Valones, hepe ng SJDM City PNP, ang biktima ay kinilalang si Luis Benita, hindi na umabot nang buhay sa pagamutan.

Habang naaresto ang isang miyembro ng pamilya ng mga suspek na bumaril sa biktima, na si Agnes Sulanya.

Habang pinaghahanap ang iba pang mga kaanak na sina Antonio Sulanya, Arvin Sulanya at isa pang hindi nakuha ang pangalan.

Napag-alaman, habang nakatayo ang biktima sa tabi ng kanyang motorsiklo at nagmamando ng trapiko nasagi siya ng isang binatilyo.

Sinasabing nagkainitan ang dalawa na nauwi sa pananakit ng biktima sa binatilyo. Pagkaraan ay agad umuwi ang binatilyo at nagsumbong sa mga kaanak.

Pulutong na sinugod ng mga Sulanya ang traffic enforcer sa pangunguna ni Agnes at kinompronta sa ginawang pananakit sa binatilyo.

Humantong ito sa sapakan ng biktima at ni Antonio at nakisali si Arvin saka walang sabi-sabing binaril ng kalibre .38 baril ang traffic enforcer.

Makaraan ang pamamaril, tumakas ang mga Sulanya ngunit sa follow-up operation ay nasakote si Agnes.

About Micka Bautista

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

AMLC

Bigtime money launderer dapat arestohin ng AMLC

UMAPELA si Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na palakasin ng Anti-Money Laundering …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *