Sunday , December 22 2024

Barangays sa Camsur umunlad nga ba?

NOON pa man bago tanggapin ni Camarines Sur Congresswoman Leni Robredo ang alok na maging tandem ni Mar Roxas para sa 2016 – na maging bise presidente ni Mar sa Partido Liberal, urong-sulong nang magdesisyon ang “the lady from Camsur.”

Kung susuriin, ‘ika nga ang ganitong klaseng pagdedesisyon ay hindi mabuting senyales lalo na siguro pagdating sa pamamahala sa gobyerno.

Hindi ba nang pumanaw ang kanyang mister na si Interior Secretary Jessie Robredo, lumakas ang panawagan ng mga taga-Camarines Sur na tumakbo siya bilang kanilang kinatawan sa ikatlong distrito ng probinsiya.

Anong sagot ni Madame Leni? Sinabi niya’y  hindi siya tatakbo.

Nang wala nang makapareha si LP presidential bet Mar Roxas dahil walang gustong sumama, naisipan nilang kunin na lang si Cong. Leni. Sabi uli ni Madame, hindi siya tatakbo.

Pero ang naging resulta pa rin, tumakbo si Leni sa pagkabise-presidente.

Para rin siyang si Gloria Macapagal-Arroyo na nagsabi noon na hindi tatakbong pangulo. Nagsinungaling si GMA. E si Leni, nagsinungaling din ba? Hindi naman kundi, iyan daw ang sigaw ng bayan para sa kanya.

He he he…

Sa totoo lang, marami-rami rin kung minsan ang urong-sulong sa pagdedesisyon at madalas ay hindi maganda ang nagiging resulta nito.

Pero sa kalagayan ni Cong. Robredo, ang pag-uurong-sulong sa ilang pagkakataon lalo na kapag ang nakataya ay para sa kapakanan ng bansa at mga mamamayan, ito ay hindi ubra. Ang dapat kasi sa isang lider o pinuno, may paninindigan at maaasahan sa pagdedesisyon. Iyon bang kung desidido ka, dapat desidido ka  at hindi iyong pabago-bago.

O sige, tapos na iyan, urong-sulong ni Ma’am Leni sa pagtakbo sa iba’t ibang puwesto sa gobyerno pero ano ito? Ang alin? Totoo ba iyong napaulat noon na ang distrito ni Robredo na nabigyan ng P500 milyong bottom-up budgetting o BuB?

Nagtatanong po at hindi nag-aakusa.

Kung sakaling totoo ang P500-M, naipamahagi ba o nagamit sa mga proyekto sa iba’t ibang barangay sa bawat bayan na bumubuo ng  Camarines Sur ang pondo?

Oo naman siguro. Heto lang naman ay kung totoong may P500M? Wala naman sigurong ganoon? Wala nga ba? Nagtatanong lang po.

‘Ika nga, may mga nangyaring pagbabago ba sa CamSur – umunlad ba ang bawat barangay dito lalo na sa ikatlong distrito? Uli, heto lang naman ay kung totoong may inilaan ngang P500M para sa Camsur.

Pero ang balita natin, ayaw makisawsaw ni Robredo sa mga proyekto dahil ang ilan dito (daw) ay dati nang proposed project ng mga nauna nang nakaupo sa kanya lalo sa LGUs.

Ano pa man, mga kababayan na lamang ni Robredo ang makasasagot kung malaki nga ba ang iniunlad ng mga barangay sa kanyang distrito simula nang maupo siya sa kongreso. Idadaan na lamang nila sa balota sa Mayo 9, ang kanilang kasagutan.

Inuulit natin, totoo nga ba ang P500M?

Nagtatanong lang po tayo at hindi nag-aakusa.

Maliwanag iyan ha. Nagtatanong lang po Madame?

Ang totoong silbi ng BuB ay para masimulan ang pag-unlad at paggawa ng mga proyekto kahit sa lebel pa lang ng barangay at may kaakibat naman itong pondo mula sa pambansang gobyerno.

Kung totoo ito, paano mapaglilingkuran ni Leni ang mga mamamayan ng buong bansa kung ang mismong mga kababayan niya sa Camarines Sur ay napagkaitan agad niya ng serbisyo?

Imbes magamit nila ng kanyang tandem na si Mar na makakuha ng mga boto lalo’t parehong sadsad ang ratings nila sa mga survey, isinubi ba ni Leni ang BuB?

Malalaman natin. Abangan!

About Almar Danguilan

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *