LOS BAÑOS, Laguna – Dalawa ang patay kabilang ang isang youth leader na tumatakbong konsehal sa Calauan, Laguna nang tambangan si Calauan Mayor Buenafrido Berris kamakalawa ng hapon.
Ayon kay Senior Supt. Ronnie Montejo, Laguna provincial police director, agad dinala sa isang ospital sa San Pablo City ang sugatang si Berris makaraan dakong 5 p.m. sa Brgy. Imok, Calauan.
Ngunit hindi nakaligtas sa ambush sina Leonardo Taningco at Emmanuel Peña.
Si Peña ay tumatakbong konsehal sa bayan ng Calauan.
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa naturang insidente.
Boy Palatino