Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Maricel at Billy, nag-reunion

NAKATUTUWANG makitang magkasama muli ang Diamond Star na si Maricel Soriano at Billy Crawford sa isa sa mga campaign sorties ni Mar Roxaskamakailan sa Bulacan.

Maaalalang unang nagkasama sa isang proyekto sina Marya at Billy noong 2013 nang gawin nila ang  Momzillas  kasama sina Eugene Domingo at Andi Eigenmann. Mag-ina ang papel na ginampanan nina Maricel at Billy sa nasabing pelikula na idinirehe ng yumaong Wenn V. Deramas.

Kapwa naging emosyonal sina Maricel at Billy sa ‘di inaasahang pagpanaw ni Direk Wenn dahil dalawa sila sa pinaka-paboritong mga artista ng blockbuster director. ”Para siyang angel kasi siya ang laging nagpapaalala sa akin na ‘let God’ tuwing may mga problema akong hinaharap sa buhay,” sabi ng original Taray Queen.

“Totoong tao si Direk Wenn at napakabait niyang kaibigan. Siya ang dahilan kung bakit nakatrabaho ko si Inay Marya at marami pang mahuhusay na artista. Talagang malaki siyang kawalan sa industriya,” dadagdag pa ni Billy.

Sobrang naging close sina Maricel at Billy dahil sa proyektong ginawa nila kasam si Direk Wenn kaya naman aliw na aliw ang mga tao sa kulitan nila sa entablado habang ikinakampanya si Roxas. ”Para talaga kaming mag-ina. Makulit na bata itong si Billy at sobrang palabiro. At proud na proud ako sa kanya dahil super successful ang kanyang career. Very hard working kasi ito,” sabi ni Maricel.

“Ako naman, marami akong natutuhan kay Inay Mary. Ang husay ng comedic timing niya. Paano ba naman, lumaki siya kasama si Mang Dolphy na isang nirerespetong institusyon ng mga batang artista na katulad ko. Ibang klase ang professionalism at dedication ni Inay sa kanyang craft bilang aktres. Proud son ako ng nag-iisang Diamond Star,” sabi ni Billy ng buong pagmamalaki.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …