Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Michael Really Sounds Familiar sa Music Museum sa March 18!

PAGKATAPOS ng matagumpay na concert ni Michael Pangilinan na Michael Sounds Familiar noong December 18, 2015, muling magbibigay ng magagandang musika ang tinaguriang Harana Prince sa Music Museum sa Biyernes, March 18, 9:00 p.m. na may titulong Michael Really Sounds Familiar.

Makakasama ni Michael bilang guests sina Garie Concepcion, Ate Gay, Boobay, Kara, at ang dating Smokey Mountain sensation Jeffrey Hidalgo, at isang napaka-espesyal na panauhin. Ang Michael Really Sounds Familiar ay mula sa musical direction ni Ivan Lee Espinosa at magiging front act niya ang cancer survivor cum violinist na si Emil John Olisco.

“Maraming bagong songs akong inaral. Mayroon akong ibinalik na dating songs pero karamihan sa kakantahin ko ay relatable sa lahat. Ha! Ha! Ha! May mga hugot, may kaunting pasabog, basta! Manood na lang kayo sa Music Museum sa Friday (March 18) para ma-good vibes kayo. Malay niyo, baka may gawin akong kababalaghan sa show. Joke lang. Ha! Ha! Ha!”  biro ni Michael.

Bukod sa concert, abala rin si Michael sa naghahanda sa Himig Handog P-Pop Love Songs 2016  dahil magkasama sila ni Angeline Quinto  na magi-interpret ng awiting Parang Tayo Pero Hindi na komposisyon ni Marlon Barnuevo. Ang grand finals ay gaganapin sa Kia Theater sa  April 24, 2016.

“Exciting itong duet namin ni Angeline. Basta keep on voting lang for the song sa MOR, No. 12 kami. Medyo excited na rin ako sa malapit nang pag-release ng second album ko sa Star Music with eight tracks. Natapos ko nang i-record lahat at inaayos na ang pag-release nito very soon. Sa April 13 na rin ipalalabas ang ‘Pare, Mahal Mo Raw Ako’ movie namin ni Edgar Allan (Guzman) na kasama namin si Mama Nora (Aunor), Ms. Ana Capri, Matt Evans, Joross Gamboa, Nikko Seagal Natividad, Miggy Campbell at Katrina “Hopia” Legaspi. Ganda ng kinalabasan ng film naming ito, modesty aside. Ganda ng pagkadirehe ni Tito Joven Tan na siya ring nag-compose ng song. Basta abangan niyo na lang at kagigiliwan ninyo tiyak.

Mabibili ang ticket sa gate.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …