Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Post ni Sunshine na balik-aral, pinutakti ng intriga

PINAGMULAN na naman ng panibagong intriga ang isang social media post ni Sunshine Cruz na sinasabi lang naman niya na naisip niyang mag-aral muli, para madagdagan pa ang kanyang nalalaman at ang naabot ng kanyang formal education. Marahil nakakita naman ng panahon si Sunshine kaya naisip niyang mag-aral ulit.

Pero ipinakita kasi niya ang kanyang school registration at ang nakalagay na pangalan ay Sunshine Montano. Nagtatanong sila bakit?

Hindi pa po naidedeklarang walang bisa ang naging kasal nila noon ni Cesar Montano, kahit na nasa korte na ang petisyon ni Sunshine na ideklarang wala ngang bisa ang kanilang kasal sa simula’t simula. Habang wala ang annulment, ang legal name na kailangang gamitin ni Sunshine sa ayaw man niya at sa gusto ay Sunshine Montano nga. Ang talagang apelyido ni Cesar ay Manhilot, pero noong kumandidato siya ay nag-petition siya sa korte na payagan siyang magpalit na ng pangalan at kilalanin sa apelyidong Montano. Pinayagan iyan ng korte. Kaya legally ang apelyido niya at ng sinumang miyembro ng kanyang pamilya, pati ang mga kinikilala niyang mga anak ay Montano na.

Kung dumating ang panahon na ibigay ng korte kay Sunshine ang kanyang hinihinging annulment, madali lang naman niyang baguhin ang lahat ng mga legal papers at palitan ulit iyon ng Sunshine Cruz dahil iyon naman ang kanyang tunay na pangalan.

HATAWAN – Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …