Tuesday , January 27 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

HIV awareness, palalawakin pa ni Tolentino

MAY pasabog ang 1st Mr. Gay World Philippines 2009/businessman na si Wilbert Tolentino dahil siya ang bagong National Director ng prestihiyosong pageant na ito. Ipadadala niya sa Malta ang representative ng Pilipinas na si Christian Laxamana na gaganapin sa April 19 -23, 2016.

Naging first runner up ng Pogay sa It’s Showtime si Christian.

Si Wilbert na ang organizer ng Mr. Gay World Philippines dahil,  ”Ibinigay sa akin ‘yung contract as a national director ng Mr. Gay World kasi hindi na po nag-renew ‘yung previous na organizer. January lang na-award sa akin kaya wala na akong enough time para mag-National pageant. So, in-appoint ko ‘yung 14th Annual Search ko ng Mr. F na nagpi-present ng gay community … kinuha ko si Christian Laxamana dahil siya ang latest na nanalo.

“I think capable naman siya  kasi as an educator, marami siyang maitutulong dito sa gay community lalo na sa LGBT community.”

Objective ni Mr Tolentino na, ”Makapag-contribute ako in my own little way sa gay community na at least nag-i-exist tayo. At saka may participation tayo kasi ang Mr. Gay World ay naghahanap ng speaker sa HIV awareness lalo na sa panahon ngayon. Dumarami ‘yung mga HIV victims.”

Bukod dito marami raw siyang na-adopt na gay culture dahil sa pagiging aktibo saMr. Gay World. Marami siyang nakilalang mga bagong kaibigan. Bilang first Ambassador ng Mr. Gay World, itinuloy na rin niya ang pagtulong lalo na sa mga AIDS victims na more than 100 cases na. Gusto niya ay may sumunod din sa yapak niya at ipagpatuloy ang mga nasimulan niya since 2009  gaya ng mga charity project niya.

Sinabi pa ni Tolentino na pagkatapos niyang ipadala sa Malta si Christian ay plano niyang magkaroon ng National Pageant ng Mr. Gay World Philippines sa July para panlaban niya next year. Kailangan daw ito para magkaroon ng one year na training ang magiging kinatawan ng Pilipinas.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …