Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Away nina Vivian at Cristine, ‘di magandang publicity ng TAL

KUNG sabihin nga nila, there is always a third part of the story, at iyon ang katotohanan. Kasi lagi ngang may dalawang sides, iyong sa mga nagtatalo, at iyong ikatlo iyon ang totoo.

Lumabas na nag-resign na ang beteranang aktres na si Vivian Velez sa kanilang teleserye dahil umano sa pambabastos sa kanya ng kasamahan niyang si Cristine Reyes. Matapos na makausap ang production staff, pumayag naman ang aktres na mag-taping ng ilang araw pa para huwag masira ang continuity ng serye at maka-exit nang maayos sa kuwento ang character niya.

Mayroon namang naglalabas ng ibang version na nagsasabing si Vivian ang unang nambastos kay Cristine, at ginagawa lang daw niyon ang controversy dahil inunahan na niya ang balitang aalisin na rin naman talaga siya sa seryeng iyon.

Palitan lamang ng palitan ng salita ang mangyayari riyan, kaya mas tama sana na may magsabi kung ano ang talagang totoong nangyari. Pero sa palagay namin walang magsasabi niyon dahil tiyak na makakalaban siya ng isa sa kanila.

Pero hindi magandang publisidad iyang ganyan. Sa kahit na anong controversy, ang magkabilang panig tatamaan pareho dahil sa pagpapalitan nila ng kani-kanilang bintang. In the first place, mayroon na palang hindi magandang nangyayari, dapat sana ay naayos na nila agad iyan bago pa lumaki ng ganyan.

Tama nga, wala namang problemang hindi mapag-uusapan.

HATAWAN – Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …