Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mike, madalas nakahubad sa mga eksena

“LAHAT yata ng taping days namin may eksena akong nakahubad eh, kaya pinaghandaan ko na talaga iyon,” sabi ni Mike Tan nang matanong siya tungkol sa kanyang mga social media post na ipinakikita niya ang magandang katawan.

Hindi lang naman siguro iyon dahil doon sa mga love scene nila ni Andrea Torres doon, iyang si Mike ay under wear model din sa isang direct selling catalogue. Roon nga sa serye nila ipinakikita lang siyang walang shirt. Doon sa catalogue ang mga picture niya naka-underwear lang.

Actually hindi naman siya umaangal, ang sinasabi nga niya pinaghahandaan niya iyon. Natural lang naman dahil hanapbuhay niya iyon, tinanggap niya ang trabaho kaya kailangan fit naman siya sa gagawin niyang trabaho. Kung tumanggap nga ba siya ng ganoong roles tapos nakalobo ang tiyan niya, sino rin ang magmumukhang wala sa ayos?

Isa pa, hindi lang naman dahil sa mga ganyang roles kaya kailangang maging maayos ang hitsura ng isang artista. Iyon ngang bilang artista lang mismo, kailangan mong masiguro na tama ang hitsura mo. Role model ka sa mga nakakapanood sa iyo eh. Dapat hangaan ka eh.

Halimbawa nga, sino ba ang hahanga sa iyo at ano ang makukuha mong role kung kasing laki ka ni Baymax? Palagay mo ba puwede kang magdrama kung mala-Baymax ka na?

Maging realistic lang tayo dapat.

HATAWAN – Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …