Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Dyowa ni senatoriable na-paranoid sa selos?

THE WHO ang asawa ng isang congressman na dahil sa sobrang selos ay tinamaan umano ng paranoia?

Kuwento ng ating Hunyango, ‘di rin naman daw masisisi si Madam sa inaasta niya ngayon dahil certified matulis daw noon sa babae si Cong na tumatakbong Senador ngayon.

Dahil nga sa pagiging matinik ni mambabatas sa bebot noon, kaya naman bantay-sarado siya kay misis kahit na nagbago na raw siya at nilimot na ang pagiging playboy.

Playboy ha, hindi chickboy. Iba kasi ang meaning ng chickboy puwede sa chick puwede sa boy, iyon ang chickboy.

Bwar har har har har har!

Idiretso natin, bilang katunayan nga sa pagiging paranoid daw ni Madam, siya na mismo ang kumikilatis at nagpapasya kung sino ang dapat na tatanggaping empleyado ni Cong kapag babae ang nais mag-apply.

Ang kategorya ay ganito, dapat hindi maputi, hindi matangos ang ilong, hindi naka-rebond, hindi singkit ang mata, hindi long-legged at hindi seksi para makapasa kay Madam.

Wahahahahahaha!

Kumbaga bawal ang Barbie doll sa office ni Cong. Dapat chaka doll lang or manika ng bruha ang hitsura para aprub kay kumander.

Hay naku naman Madam!

Tawa much!

Tsimis pa sa atin, dati hindi naman daw kagandahan si Madam at nadaan na lang sa dami ng money, money money nila ngayon kung kaya’t parang reject na Barbie doll ehek! Parang Barbie Doll na siya.

Hindi na lang daw talaga makapalag si Sir kay Misis para lang mapatunayan na talagang renewed na siya kung kaya’t deadma na lamang siya sa trip nito.

Ho ho ho ho ho ho ho.

Who-laan kung sino si Madam na itago na lang natin sa pangalang “Just Paranoid” in short JP!

‘Yun lang!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jethro Sinocruz

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …