Friday , November 15 2024

Mister, 3 pa iimbestigahan sa pagpatay sa mag-ina sa Laguna

ISASAILALIM  sa masusing imbestigasyon ng pulisya ang mister ng biktima at tatlo pa na sinasabing sub-contractor ng  isang telecom company para sa mabilisang ikareresolba ng karumal- dumal na kaso ng pagnanakaw at pamamaslang sa mag-ina sa lungsod ng Sta. Rosa sa lalawigan ng Laguna.

Ayon kay  Supt. Reynaldo Maclang, hepe ng pulisya, sasailalim sa further investigation at clarificatory questioning para sa paglilinaw at agarang ikareresolba ng naturang kaso ang mister ng biktimang si Pearl Helen Sta. Ana na si Richard, kabilang si Alias David de la Cruz, kilala sa tunay na pangalan na Christopher Marquez Oliveroz, ng Pasig City, at dalawa pang sub-contractor na hindi pa ipinalabas ang mga pangalan.

Nais malaman ng pulisya kung nasaan ang mga  nabanggit nang maganap ang nasabing insidente ng pagnanakaw at brutal na pamamaslang sa mag-inang Sta. Ana dakong 2:00 p.m. nitong Miyerkoles, Marso 2,  kasalukuyang taon.

Kaugnay nito, apat sa tumatayong mga testigo sa krimen ang nakahandang magbigay ng kani-kanilang mga salaysay sa mga awtoridad para sa agarang ikareresolba ng naturang kaso.

Bagaman may narekober na ebidensiyang identification card (ID) ni alias David de la Cruz, sa crime scene ay hindi pa rin aniya itinuturing na isa sa posibleng suspek habang patuloy ang isinasagawang malalimang pagsisiyasat ni Laguna PNP Provincial Director SSupt. Ronnie Montejo at kanyang mga tauhan.

Samantala, umaabot sa halagang P200,000 pabuya ang inilaan ng pamahalaang lokal ng lungsod ng Sta. Rosa para sa agarang ikalulutas ng kaso.

Magugunitang nadiskubre ang bangkay ng mag-ina na naliligo sa sarili nilang dugo sa  kanilang comfort room dakong 5:10 ng hapon. Walang saplot sa katawan si  Pearl na may malalaking sugat sa ulo habang ang kanyang anak na si Denzel na mahigit isang-taon gulang  ay mayroon rin malaking sugat sa ulo na hinihinalang pinukpok din ng martilyo.

Magkasunod na binawian ng buhay ang mag-ina   na natangayan ng umaabot sa mahigit P165,000 halaga ng alahas, salapi, cellphone, tablet, iPad at iba pang mga personal na kagamitan.

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *