Friday , November 15 2024

No. 1 smuggler sa Customs

SI smuggling King alias Henry Tan ay sa Cebu daw ngayon nag-o-operate at lumipat dahil mainit na siya sa Maynila.

Grabe ito!

Puro misdeclaration at mga misclassification ang kanyang ‘parating’ na trabaho. Swindler at estapador kaya marami nang naloko. Marami rin aliases na ginagamit sa Immigration para ‘di siya mahuli.

Number one namedropper at binabanggit naman ngayon ay isang Joel Yap na kaibigan ni Mayor Erap.

Kung uminit ang smuggling niya sa Maynila, lipat sa Davao, Cagayan de Oro  at Iloilo. Ang galing magtago nitong si Henry Tan, daig pa ang pusa!

Siya ngayon ang number 1 smuggler sa customs!

***

Sa Ocean Link puro pa rin tara! P3k bawa’t lata (container) pati hao-shiao humahawak ng gate pass. Nagagalit na raw si Commissioner Bert Lina sa mga reklamong dumarating sa opisina niya.

Pero sabi raw ng ocean link, wala ‘yan. Tumara pa rin tayo dahil pera na ‘yan.

Comm. Lina, ipasara mo na ‘yang ocean link!

Mga gago ang tao riyan, lalo ang mga hao-shiao!

***

May mga kilala akong opisyal ng Customs na talagang low profile at maayos magtrabaho.

Ito ay sina Atty. Nick Hortillas, Nelly Casiano at Mel Pascual na talagang working hard para matulungan ang pamumuno ni Comm. Bert Lina sa BoC.

Sila ang mga taong wala kang makitang reklamo sa kanilang gawain, laging nakangiti at ‘di iniintindi ang mga intriga at magandang serbisyo publiko.

Kahanga-hanga sila at talagang maasahan sa pangolekta ng buwis sa gobyerno.

Mabuhay kayo mga bossing!

Port Congestion dahil sa TABS

Talagang ayaw magpaawat ang protesta ng mga trucker at customs broker sa pangunguna ni President Mary Zapata ng Aduana Business Club dahil apektado ang kanilang mga negosyo sa Port Congestion dahil sa TABS.

Sinabi niyang mas masikip na sa Manila South Harbor ngayon dahil sa kabila aniya ng ipinatutupad na terminal appointment booking system (TABS).

Dagdag ni Zapata, dati ang problema lamang nila kung paano mapabilis ang proseso ng dokumento sa mga ahensiya ng gobyerno.

Oras na makakuha ng gate pass, agad nang makapagpapasok at makapaglalabas ng mga kargamento pero ngayon kailangan pang maghintay ng isang buong araw hanggang isang linggo upang makakuha ng slot.

Marami tuloy ang nape-pending na trabaho dahil sa TABS kaya dapat itong pag-ukulan ng pansin dahil marami ang apektado.

Kanila pang inihayag ang karagdagang araw ng pananatili sa port at nangangahulugan na magkakaroon ng panibagong gastos sa pag-iimbak at paggagarahe ng mga trucker at nade-delay pa ang delivery ng stocks ng ilang establisimyento na maaaring magdulot ng pansamantalang suspensiyon sa operasyon nito at ng pansamantalang displacement ng mga tauhan.

Inihayag ni Zapata na ang port congestion ay hindi lamang problema ng mga trucker at customs broker bagkus ay problema ng pangkalahatan.

“Hindi lang kami, kayo, tayong lahat ay talo rito.”

Panawagan din niya na seryosohin ng gobyerno ang problema sa port congestion.

Kaya naman nagsama-sama ang iba’t ibang grupo ng truckers at customs brokers na ihayag ang problema sa Terminal Appointment Booking System o TABS at sana ay maayos na ito.

***

Si Nonoy Libanan pa rin ang da best na naging Commissioner sa Bureau of Immigration.

Maraming empleyado ang tumawag at nag-text sa atin na si dating BI Comm. Marcelino Libanan ang may puso at adhikain sa mga empleyado ng immigration.

Hindi nanakit ng damdamin ng kapwa at ‘di corrupt. Siya ay marunong gumawa ng mga alituntunin na ikabubuti ng immigration.

Nang pumalit na si  Gen. David at si Siegfred Mison, maraming nagkasakit at namatay dahil sa maling pamamalakad at puro paghihiganti at puro hinala ang pinaiiral.

Kunwari ay no take policy pero ‘yung bulsa nila ang sumikip sa sobrang dami ng kuwarta. Hindi lang ‘yan pati empleyada nila pag maganda ay tiyak na may kalalagyan siya. Ganyan daw si Mison.

Ngayon, nasan na ‘yung mga nagpapasa noon at naghaharian? Kamote na sila ngayon, at sabi pa “sir Jimmy bakit  ‘di pa ipa-lifestyle check ang mga ‘yan?”

Nakahihiya kayo!

About Jimmy Salgado

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *