Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sunshine, nangiti lang sa tikiman nina Maria Ozawa at Cesar

NAKANGITI lang si Sunshine Cruz nang may magbanggit sa kanya tungkol sa podcast interview sa

sikat na Japanese porn star na si Maria Ozawa, na inamin niyon na bago nila ginawa ang isang pelikula para sa nakaraang festival ay may nangyari sa kanilang dalawa ni Cesar Montano. Minsan lang naman daw iyon at hindi na naulit, sabi ni Ozawa nang kulit-kulitin ni Dj Mo sa podcast.

Ang maganda lang, kahit na may lumalabas na mga ganyang balita ngayon, nakangingiti na si Sunshine, hindi kagaya noong araw na halata mong nakukunsumi siya sa mga ganyang balita. Hindi na nga apektado si Sunshine matapos ang matagal na rin naman nilang paghihiwalay, at sinabi nga niya, ”very soon makakukuha na rin naman siguro kami ng annulment ng aming kasal. Sa ngayon iyon na lang ang gusto kong mangyari,” sabi ng aktres.

Kahit na anong kulit mo kay Sunshine, sasabihin niyang wala na talaga sila at wala na rin naman sigurong pag-asang magkabalikan.

“Nirerespeto ko pa rin naman siya bilang ama ng aking mga anak. Hindi ko naman maikakaila iyon. Pero iyong sa akin, personal wala na talaga. Tahimik na ang buhay ko. Mabait naman sa akin ang Diyos na nakakayanan ko ang buhay ng isang single parent. Kahit na paano ay hindi nakokompromiso ang mga kailangan ng mga anak ko, at para sa akin tama na iyon,” sabi pa ni Sunshine.

Pero ano ang sinasabi niya sa kanyang mga anak kung may naririnig na ganyan?

“Wala na akong sinasabi sa kanila. Sanay na rin naman silang makarinig ng ganyan eh. Minsan nga mas higit pa riyan ang naririnig nila. Hindi na rin affected ang mga bata. Ako naman from the start marami na rin akong naririnig na ganyan. Marami na rin ang nag-warning sa akin even before, kaya lang medyo matigas din ang ulo ko noon. Kaya iyang mga ganyan hindi na ako affected talaga,” sabi pa ni Sunshine.

( Ed de Leon )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …