Tuesday , January 27 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Closeness ni Raymart sa mga anak, ‘di pa naibabalik

NAGPAPASALAMAT si Raymart Santiago na ngayon ay nagkakaroon na siya ng pagkakataong madalaw at makasama ang kanyang mga anak. Pero aminado siya na parang hindi pa naibabalik ang  closeness niya sa kanyang mga anak.

Natural iyon sa mga bata dahil dalawang taon silang hindi nagkita, bukod doon ang naririnig ng mga bata sa loob ng dalawang taong iyon ay puro negatibo laban sa kanilang ama. Paano mo naman maaasahan sa mga bata na maging ganoon ulit kadikit sa tatay nila?

Inamin din naman ni Raymart, matatapos na ang kanilang mga kasong pinag-uusapan sa korte. Hindi pa naman pala sila nagsasampa ng annulment para ipawalang bisa ang kanilang kasal, pero sinabi rin ni Raymart na darating din iyon. Hihingi rin sila na ipawalang bisa na ang kanilang kasal dahil talagang wala na ngang pag-asang sila ay magsamang muli bilang mag-asawa.

Hindi mo rin naman siguro masisisi si Raymart, dahil sa mga pinagdaanan ng buhay nila. May panahong kung ano-ano na ang ibinintang sa kanya, pati iyong pagtatangka raw na pagpatay kay Claudine Barretto. Pinagbibintangan pa siyang may kinalaman sa mga nagpaputok ng baril malapit sa kanilang dating tahanan.

Simple lang ang sagot ni Raymart. ”Ayoko na”.

HATAWAN – Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …