Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Hiro, nahuhulog na ang loob kay Kris Bernal!

022616 hiro peralta kris bernal

UNTI-UNTI na raw nahuhulog ang loob ni Hiro Peralta sa kanyang leading lady ng GMA 7’s, Little Nanay na si Kris Bernal.

Paano naman daw hindi mahuhulog, bukod daw kasi sa maganda ito ay mabait at masarap katrabaho.

Pero alam daw ni Hiro na ang kanyang career ang priority ni Kris ganoon din siya lalo’t pareho silang maganda ang itinatakbo ng career. Kaya naman hanggang paghanga lang muna ito sa kanyang leading lady.

Sa ngayon, happy si Hiro sa itinatakbo ng kanyang career at sana nga raw ay magtuloy-tuloy na ang pagdating ng maraming proyekto.

Teejay Marquez, going places na sa Indonesia!

022616 Teejay Marquez

BONGGANG-BONGGA na ang career ni Teejay Marquez sa Jakarta, Indonesia dahil bukod sa pelikulang gagawin nito na halaw sa kanyang buhay bilang Internet Sensation ay nakatakda ring gumawa ito ng pelikula.

Kaya naman nag-aaral itong ng lengguwahe ng Indonesia para paghandaan ang first movie sa Indonesia. Makakasama niya rito ang ilang sikat na actors sa Indonesia.

Bukod sa said film,  sangkaterba rin ang guestings niya sa iba’t ibang shows sa Indonesia at mayroon ding regular TV show dito ng Gen Z . Sunod-sunod din ang pictorial nito para sa cover ng magazine at prints ads.

Winzon’s Golden Entertainment Production Star Talents & Performing Arts opens Summer Workshops

ISANG Summer Workshops ang hatid ng Winzon’s Golden Entertainment Production Star Talents & Performing Arts sa kids, teens, at adults na nagnanais na matutong umarte, kumanta, magsayaw, at mag-modelo .

Ayon nga sa CEO/President ng Winzon’s Golden Entertainment Production, ”Binuksan ko ang aking production para magbigay ng pagkakataon sa kids, teens, at adults na mas mahasa pa ang kanilang chosen talents through our workshops.

“Ito na rin ang magiging pasaporte nila para sa pagpasok nila sa showbiz.”

Ang Winzon’s Golden Entertainment Production ay matatagpuan sa Plaza Andrea no. 18 Interneighborhood  St. Holy Spirit Drive, Brgy. Holy Spirit Quezon City.

Para sa iba pang detalye sa workshops, tumawag lang sa sumusunod na numero—02 348 1694/02 430 8126/0917 5624785/0922 8007065 at hanapin sina Mr Jhun or Ms Aimz.

MATABIL – John Fontanilla

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …