Thursday , December 26 2024

Malabon employees panalo sa OMB vs Councilors

MAKATUTULOG na nang matiwasay ang siyam na kawani ng Malabon City – Sangguniang Panlungsod habang ang mga konsehal na nagsampa ng kaso laban sa mga kawani ay masasabing… pahiya kayo ano!

Este, mali sorry kundi olat kayo ano!? He he he he…

Bakit naman? Kasi po, ang kasong isinampa ng mga konsehal laban sa mga kawani ay ibinasura ng Ombudsman. Boom! Pa-canton na kayo!

E sino naman ang magagaling na konsehal na nagsampa ng kasong administratibo laban sa mga kawani? Alam na nila kung sino-sino sila.

Ha ha ha… ang mahalaga, ibinasura ng Ombudsman ang isinampa nilang kaso.

In short, walang konse-konsehal sa Ombudsman.

Habang ang mga natutuwang kawani at pinanigan ng Ombudsman ay sina Atty. Rommel Bernardo, Jaime Chua, Yolanda David, Romel Ramirez, Lina Santos, Carmelita Trinidad, Anna Rhea Mesina, Antonio Banaag at Rommel Buenaventura.

Back ground tayo: Inakusahan ng mga konsehal ng Misconduct (maling asal o pag-uugali) at Gross Neglect of Duties (pagsasawalang bahala at hindi pagsunod sa kanilang tungkulin) ang siyam na  kawani dahil sa hindi nila pagdalo at pagganap sa kanilang tungkulin sa sesyon ng Sanggunian tuwing Lunes partikular noong Enero 12 at 26 at Pebrero 2, 2015.

Pagtatanggol naman ng mga kawani na may malinaw na batayan sila sa kanilang naging aksyon.

Sa salaysay ni Atty. Rommel Bernardo, City Council Secretary at pinuno ng mga kinasuhang kawani, ano mang pagbabago sa araw at oras ng sesyon ng Sanggunian ay kailangang sumunod sa itinadhana ng Article 117, Rule XXI ng Internal Rules of Procedure ng Sanggunian na nagsasabi na kailangan ang prior notice (paunang abiso) sa lahat ng Konsehal at dapat katigan ng boto ng 2/3 ng mga miyembro nito ang naturang resolusyon.

E sa kasong ito, hindi raw sinunod ng mga konsehal ang Internal Rules.

Ayon sa Ombudsman, sa desisyon nila noong Nobyembre 24, 2015, walang bisa ang resolusyon ng mga konsehal na naglilipat ng araw ng sesyon mula Martes patungong Lunes dahil hindi nasunod ang mga nabanggit na panuntunan at walang naging pagbabago sa Internal Rules of Procedure.

Binanggit pa sa findings ng Ombudsman na mali ang mga konsehal sa kanilang paniniwala – sa opinyon ng DILG City Director of Quezon City dahil ito ay walang jurisdiction at hindi nasasakop ang Malabon City.

Kinatigan din sa nasabing desisyon ng Ombudsman ang nauna nang opinyon ni DILG Undersecretary Austere Panadero na ang resolusyon ng mga konsehal ay walang matibay na saligan sa mga umiiral na batas upang maging mabisa.

Sinabi na noon ni Panadero na ang “the subject resolution suffers from legal infirmities.”

O ano, Atty.  Bernardo at iba pa, tagumpay ang ipinaglaban ninyo! Patunay lamang ito na ang katotohanan ay hindi puwedeng baliktarin.

Pa-canton na kayo Atorni! Habang ang mga konsehal naman na natalo ay masasabing napahiya sila sa Ombudsman.

Olat e!

About Almar Danguilan

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *