Ihalal sa konseho si Ding Santos sa Pasay
Mario Alcala
February 25, 2016
Opinion
MULING binabalik-balikan ni retired police captain Ricardo “Ding-Taruc” Santos ang kanyang mga kaibigan, retired colleagues sa PNP at ang mga botante sa iba’t ibang barangay sa Pasay City partikular ang nasa may bahagi ng district 1.
Inamin ni Santos na kulang siya sa fund resources pero ang pag-iikot niya o ang ‘house to house campaign’ ay makatutulong sa kanya nang malaki lalo’t papalapit na ang May 2016 elections.
“Ako naman ay ilang beses nang kumakandidato sa lungsod ng Pasay. Subukan naman nila akong ihalal na konsehal sa 1st district ng Pasay,” paliwanag ni Kuya Ding nang siya ay ma-interview natin kahapon.
Ayon kay Santos, nagdesisyon siyang kumandidatong konsehal sa paniniwala niyang muli siyang susuportahan ng mga botante sa Pasay sa darating na halalan. Si Santos ay nasa kampo ng Calixto Team 2016.
Napag-alaman natin na sa kasalukuyan ay buong-buo ang Calixto Team 2016. Walang kumakalas at nadaragdagan pa ang sumasama kay re-electionist Pasay City Mayor Tony Calixto.
* * *
Cebu bagsakan ng basura ng Japan
NASAKSIHAN ko kung gaano karami ang pumapasadang second-hand na multicab sa iba’t ibang lugar sa Cebu City nang ako ay mag-travel sa naturang lalawigan.
Sa Cebu, madalang akong nakakita ng bus at ng mga pampasaherong jeep ‘di tulad sa Metro Manila.
He he he!!! Hindi yata tinatangkilik sa Central Visayas ang pampasaherong jeep, ang sasakyang gawa ng mga local manufacturers sa national capital region. Iyan din ang napansin ko sa suburb ng Cebu at vice versa.
Kaya tiba-tiba ang importers, brokers, local dealers sa Cebu sa pagpaparating ng mga reconditioning na surplus na multicab na may brand na Zusuki at Daihatsu na matagal nang phaseout, naging basura sa bansang Japan.
Ang side comment ng ilang nakausap kong driver, mas mura raw ang bentahan ng second-hand na multicab sa Cebu kung ikokompara sa brand new na pampasaherong jeep na nagkakahalaga mula sa P500,000.
* * *
Padaplis lang po! Matakaw na kapitan
ISANG kapitan daw sa Eastern Police District ang ubod nang takaw at malakas daw mambakal sa mga huli sa illegal na droga.
Mas lamang pa raw ang mga pinapakawalan kaysa kinakasuhan, ipinapakulong na suspects na nahuli sa paglabag sa 9165.
Naku po! Kung may katotohanan na palabigasan ni chief ang mga suspects na nahuhuli ng kanyang mga bata tungkol sa bawal na droga, baka ubod na nang yaman ng mama?
* * *
Iba’t ibang gimmick sa Titan Club
IBA’T iba raw ang gimmick sa Titan Club, isang nightclub na nasa Macapagal Boulevard, Pasay City.
May gimmick sa stage, sa VIP room at ang tinatawag ng mga floor managers, bugaw na “oros” o barfine.
Upang malito raw ang mga awtoridad, walang umaaktong general manager (GM) o officer-in charge (OIC) sa club na ang naka-front ay dalawang foreigner na sina Hero at Akiba. Dummy nila ang mga Filipino sa kanilang negosyong prosti. Alam na alam nina Akiba at Hero kung ano ang mga gimmick sa TITAN Club.
Dapat itong alamin ng mga taga-NBI-IACAT, DOLE at DSWD.
May follow up pa.
* * *
GAMBLING TABLE SA PAMPANGA
SA Barangay Dolores (intersection) at sa Barangay Maimpis sa San Fernando, Pampanga, largado pa rin ang pasugal na pa-color games at dropballs nina Boy Lim at Gordon. Nasa limang mesa ang gambling tables.
Ang command ng PNP-Region 3 ay naka-based sa San Fernando City, Pampanga. Wala kayang natatanaw na sugalan sa kalsada ang RD sa central Luzon?