Saturday , November 23 2024

Pagbibida sa kampanya nagsimula na

KAMAKAILAN lang mga ‘igan ay nagsimula na ang pangangampanya ng mga kumakandidatong presidente, bise presidente, senador at party-List.

Kasabay nito ang batohan ng maaanghang na salita sa kapwa nila kandidato, na may katotohanan at mayroon din namang kasinungalingan paminsan-minsan. Ngunit kadalasan, sa sampung sinabi, isa lang ang mali at pawang katotohanang lahat ang sinasambit na may ebidensiyang nakakabit.      

Sa Maynila, partikular sa Tondo, sinimulan nang umarangkada nina Davao City Mayor Rodrigo Duterte at Senator Allan Peter Cayetano, kasabay sina Senador Grace Poe at Senador Chiz Escudero sa Plaza Miranda naman nangampanya. Sa Mandaluyong City nagpahayag ng kanilang kandidatura sina Vice President Jojomar Binay at Senator Gringo Honasan. Sa Batac, Ilocos Norte umarangkada sina Senator Miriam Defensor-Santiago at Senator Bongbong Marcos, samantala sa Iloilo sina Liberal Party standard bearer Mar Roxas at ang kanyang katambal na si Leni Robredo, and take note mga ‘igan, kasama si PNoy! Nakuha… Sosyal ang dalawang tulisan ‘este’ politician! Sobrang suporta na ‘yan… he he he…

May kanya-kanyang magagandang platapormang ibinibida, tungo lahat sa ikasusulong ng bansa! Pero, marami ang kinakabahan, may agam-agam, sapagkat, pawang walang kasiguraduhan ang sangkatauhan sa lahat ng ipinapangako sa taumbayan. Pakiramdam nila’y ‘laway’ lang at wala sa ‘gawa.’ Marahil, base ito sa kanilang karanasan sa ilang politikong meron tayo.

‘Yan mga ‘igan ang talamak na sakit ng mga politiko. Mga pangakong nagmumula sa mabubulaklak na pananalita… sa bandang huli’y pangakong ipapako lamang pala sa isang tabi. ‘Ika nga, pagkatapos manalo, “Bahala na kayo sa buhay n’yo!”

Huhuhu… Kawawa ang mga pobreng mamamayan… na walang hinangad kundi ang katuparan ng mga pangakong maiaahon sila sa kahirapan. Pero ano? Ayun, kasama ng mga pangako ang mga pobreng ipinako sa krus ng kalbaryo!

Hehehe…

Lim Ama ng Libreng Serbisyo

Naalala ko tuloy ang dating Alkalde ng lungsod ng Maynila, si Mayor Alfredo S. Lim. Wala pong ipinangako si Ka Fred Lim sa mga Manilenyo! Pero, sa kagustuhang mabigyan ng tulong-medikal ang sambayanang Manilenyo, nagpatayo ang Mama ng ospital sa bawat distrito ng Maynila. Ang matindi rito mga ‘igan, LIBRE lahat. Libre na konsulta, may kasama pang libreng gamot. Saan pa kayo mga ‘igan? 

Nag-iisa lang si Mayor Lim. Nag-iisang politikong maaasahan ang Mama. Nag-iisang nakapagpatayo ng ospital sa bawat distritong  kanyang nasasakupan. Isama na ang mga paaralan sa Maynila.

Si Ka Fred Lim ay nakapagpatayo rin ng mga paaralan, mula day care hanggang kolehiyo nang libre ang tuition fee. Sa paniniwala niyang ang “Kabataan ang pag-asa ng ating bayan.” Pero teka, hindi naman pahuhuli ang mga ‘tanders!’

Sa katunayan, nagkakaloob si Ka Fred Lim ng libreng wheelchair sa mga senior citizen na nangangailangan nito, isama na ang mga kapatid nating may kapansanan.

‘Yan si Lim…Lingkod-Bayang Inyong Maaasahan!  

Traffic enforcers ng Bacoor problema, Paging Mayor Strike!

Ang Traffic Enforcers ninyo sa Bacoor, Cavite, ay puro tanga! (Sorry for my Word.) Paano makapagtatrabaho ang traffic enforcers nang maayos kung wala namang alam sa ginagawa nila? Base po sa aking nasaksihan, aba’y magtinda  na lamang po sila ng taho nang hindi nakapeperhuwisyo sa kawalang sistema ng mga gunggong sa trapiko!

Imbes resolbahin ang problema sa trapik, aba’y lumilikha pa sila ng trapik! Paki-obserba po ang sistema ng mga magtataho…lalo sa SM Molino, sus ginoo!   

About Mario Alcala

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *