Friday , November 15 2024

Gun runners, ‘di ubra sa QCPD –DSOU

KUNG kampanya lang naman laban sa ilegal na droga ang pag-uusapan, aba’y subok na subok na ang katatagan ng Quezon City Police District (QCPD). Hindi nakalulusot sa puwersa ng pulisya ang mga sindikato.

Lagi silang bokya sa pagbabagsak ng kilo-kilong shabu sa lungsod. Bakit? Hindi kasi matatawaran ang sinseridad ng QCPD laban sa anomang klase ng kriminalidad sa lungsod.

Bukod sa droga, prayoridad ni  QCPD Director, Chief Supt. Edgardo G. Tinio, ang kaligtasan ng mamamayan ng lungsod o ng sinoman. Alam naman natin, pumapatay ang ilegal na droga at ito rin ang lagging puno’t dulo ng mga karumal-dumal na krimen.

Kaya tama si Tinio sa pagsasabing sa tuwing may huli silang bigtime drug dealer at nakokompiskahan ng milyong halaga ng shabu, milyong kabataan na naman ang kanilang nailigtas sa tiyak na kapamahakan o kamatayan.

Kung hindi nakalulusot sa tropa ni Chief Insp. Enrico Figueroa, hepe ng District Anti-Illegal Drugs (DAID) ang mga walang kadala-dalang drug dealers, hindi rin uubra ang sindikato ng mga nagbebenta ng  ilegal na  baril o ‘gunrunners’ sa grupo ni Supt. Jay Agcaoili, hepe ng District Special Operation Unit (DSOU).

Patunay ba ang kailangan?

Nitong nakaraang linggo, isang grupo ng gunrunners ang bumagsak sa grupo ni Agcaoili. Mismong ang hepe pa ng DSOU ang nanguna sa operasyon para matiyak na hindi makalulusot ng sindikato sa bitag ng ikinasa ng DSOU.

Limang gunrunner, kabilang ang isang naaresto ng DSOU sa isinagawang nilang buy bust operation.

Hindi lang naaresto ang lima kundi masasabing buwag na ang kanilang grupo dahil mismong lider ng sindikato ang nadakip na si Reggie Reandro, nitong Pebrero 5, 2016.

Unang dinamba ng DSOU operatives si Reandro makaraang bentahan niya ng kalibre .45 “infinity pistol” (napakamurang halaga P5,000), ang isa sa tauhan ni Agcaoili na nagpanggap na buyer, sa barangay Sauyo, Quezon City.

Makaraang maaresto ang lider ng sindikato, agad sinalakay ng tropang DSOU ang pinagkukutaan ng grupo sa Sitio Kabuyao, Barangay Sauyo, Quezon City.

Nagresulta ito sapagkaaresto ng apat pa, isa rito ay babae. Nakuha sa operasyon ang mga baril, mga sachet ng shabu, at shabu paraphernalia.

Bukod dito, nakuha sa bahay ni Reandro ang ilan pang baril at dalawang samurai.

Matatandaan, nitong nakaraang 2015, isang 10-year old gun running syndicate na nagkukuta malapit sa Kampo Crame ang nabuwag ng grupo ni Agcaoili. Apat katao ang nadakip sa operasyon.

Ang prente  ng sindikato na sinasabing nagbebenta ng mga hindi lisensiyadong baril sa iba’t ibang grupo ng sindikatong kumikilos sa Metro Manila, ay wholesaler daw sila ng packaging materials at office supplies.

Ano pa man, hindi umubra kay Agcaoili ang front ng sindikato kaya hayun, nang ikasa ang buy bust operation.

Buwag ang sindikato na nagkukuta sa isang apartment sa Santolan Road, Barangay Bagong Lipunan, QC. Ang operasyon ay nagresulta rin sa pagkaaresto ng lider ng grupo at pagkakakompiska sa dalawang armalite, limang shotgun at mga bala.

Kung susuriin, ang matagumpay na operasyon sa tabi lang ng Kampo Crame ay masasabing sampal sa mga kilalang crime busters na nag-oopisina sa kampo.

 Akalain ninyo, sampung taon na pala ang sindikato at nasa tabi lang nila. Parang napakaimposibleng hindi nila ito naamoy.

Anyway, ‘yan ang tropa ng DSOU ni Agcaoili. Lahat ay binabangga – hindi ubra sa kanila ang gunrunning syndicate.

Siyempre, ang matagumpay na mga operasyon ay dahil sa good leadership ni Gen. Tinio.

Sa ‘yo Supt. Agcaoili sampu ng inyong mga tauhan sa DSOU, saludo ang taumbayan sa inyo.

Congrats!  

About Almar Danguilan

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *