Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kami ang gumawa ng sariling milagro — Austria (Paghahari ng SMB sa Philippine Cup)

020516 SMB Leo Austria
NANG unang sinabi ni San Miguel Beer head coach Leovino “Leo” Austria na kaya pang magkampeon ang Beermen sa Smart BRO PBA Philippine Cup kahit nakauna ang Alaska Milk ay walang naniwala sa kanya.

Ngunit pinanindigan ni Austria ang kanyang sinabi nang humabol ang kanyang tropa mula sa 3-0 na kalamangan ng Aces upang mapanatili ang titulo sa torneo at makuha ang ika-22 na kampeonato sa kasaysayan ng PBA.

“Tulad ng sinabi ko, I believe in miracles and every day, makikita mo na may mangyayaring milagro,” wika ni Austria pagkatapos na makumpleto ng SMB ang makasaysayang rally noong Miyerkoles nang tinalo nito ang Alaska, 96-89, sa Game 7 sa harap ng 23,616 na katao sa Mall of Asia Arena sa Pasay.

“The good thing with this team is that even before tonight’s game, the players were very casual. I just gave them a walk-through and mentally, they were prepared. They knew how to approach this kind of game.”

Ito ang unang beses na binura ng isang koponan ang 3-0 na deficit sa isang best-of-seven na serye mula noong unang ginamit ang format na ito ng PBA noong 1982.

Nagsimula ang pag-rally ng Beermen nang humabol sila mula sa 93-82 na kalamangan sa regulation noong Game 4 at manalo sa overtime.

Sumunod pa ng isa pang panalo sa overtime, 86-73, sa Game 5 at dinomina ng Beermen ang Game 6 at 7, lalo na sa huling laro kung saan umangat ang laro ni Chris Ross na naging Finals MVP dahil sa kanyang 21 puntos, limang rebounds at limang assists.

“I told him (Ross), you’re leadership is important,” ani Austria. “The good thing is that, he kept on scoring lalo na mula sa three-point area. Big bonus iyan kasi unexpected ang mga tira nila. Pati Alaska, siguradong nagulat.”

Para naman kay Ross, ito ang pinakamasayang sandali sa kanyang paglalaro sa PBA pagkatapos na una siyang naglaro para sa Coca-Cola, Sta. Lucia at Meralco at naging Finals MVP pa noon para sa Pharex sa PBL.

“San Miguel had faith in me. They traded for me because they had faith in my skills and abilities,” ani Ross. “It’s a better atmosphere when everyone has trust in each other.”

At para kay Best Player of the Conference June Mar Fajardo, wala nang makakasarap pa kundi magkampeon uli ang Beermen habang nasa court siya upang tulungan ang kanyang tropa kahit masakit ang kanyang tuhod dulot ng pilay niya noong semis kontra Rain or Shine.

“Hindi ko na iniisip itong sakit ko. Pero kailangan ko pang magpahinga from 2-3 weeks,” sambit ni Fajardo na nagtala ng 21 puntos at 15 rebounds sa Game 7. “May plano si God sa amin at sa team kaya nagpapasalamat kami sa Kanya dahil sa blessing. Naging blessing in disguise ang injury ko.”

( James Ty III )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About James Ty III

Check Also

UAAP DLSU NU

DLSU panalo sa NU

TINALO ng De La Salle University ang may twice-to-beat advantage na National University, 87-77, nitong …

Bambol Tolentino Alexandra Eala Bryan Bagunas

Eala, Bagunas napiling flag bearer ng Team PH sa 33rd SEA Games sa Bangkok

IPINAHAYAG ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino ang pagpili sa dalawa sa …

ArenaPlus Gilas Pilipinas

ArenaPlus and Gilas Pilipinas team up for the upcoming FIBA World Cup Asian Qualifiers

ArenaPlus renews its sponsorship with Gilas Pilipinas, ahead of the 2027 FIBA World Cup as …

FIFA Futsal Womens

Nangungunang Brazil Makakaharap ang Asian Champion na Japan sa Pag-init ng Futsal Quarterfinals

MGA LARO NGAYON(PHILSPORTS ARENA)6 P.M. – PORTUGAL VS ITALY8:30 P.M. – BRAZIL VS JAPAN MAKAKAHARAP …

Criss Cross King Crunchers

King Crunchers, Sinungkit ang Kasaysayan! Dinurog ang Japan sa Epikong Limang-Set para sa Spikers’ Turf Title

SA WAKAS, nakamit ng Criss Cross ang matagal nang inaasam na korona sa Spikers’ Turf—hindi …