Friday , November 15 2024

Bigtime drug dealers takot nang pumasok sa QC

00 aksyon almarNATAPOS na ang buwan ng Enero, kapansin-pansin na walang huling malakihang bilang ng droga ang Quezon City Police District (QCPD) sa kabila na nasanay na ang lahat na laging may huli ang pulisya partikular ang District Anti-Illegal Drugs (DAID) na pinamumunuan ni Chief Insp. Enrico Figueroa.

Bakit nga kaya walang malaking huling drug dealers/couriers ang tropa ni Figueroa para sa buwan ng Enero? Ibig bang sabihin nito ay nag-lie low na ang tropa sa kampanya ng QCPD laban sa droga samantala mahigpit ang direktiba ni QCPD Director, Chief  Supt. Edgardo G. Tinio laban sa droga maging sa lahat ng klase ng kriminalidad?

Hindi po nag-lie low, hindi po tinamad at lalong hindi natakot ang tropa ni Figueroa. Katunayan, lalo pang pinaigting ni Figueroa ang kanyang giyera laban sa illegal drugs.

Nagkataon lang na walang malaking huli sa buwan ng Enero. Sanay na po kasi tayo na kapag QCPD ang nagtrabaho, aba’y malakihang huli ang nabibingwit at halos buwanan kapag nakahuhuli.

Tulad ng nabanggit, walang nabago sa kampanya ng DAID at siyempre, magugulat na lamang tayo – isang araw ay may huli na namang malaking drug dealer ang tropa. Kaya, abangan natin iyan. Malamang ang inaakalang pananahimik ng DAID ngayon ay may minamanmanan silang malaking isda. Hindi lang tuna size kundi mas malaki pa sa balyena. Ganyan kapag nagtrabaho ang DAID.

Nakita naman natin ang mga pruweba nitong mga nagdaang buwan – hindi matatawaran ang huli ng DAID. Milyon-milyong halaga ng shabu ang kanilang nakompiska sa loob lamang ng ilang buwan. Iyan ay bunga ng seryosong kampanya ni Tinio laban sa lahat ng kriminalidad sa Kyusi.

Pero ba’t nga ba walang malaking huli ngayong Enero? Ang kulit naman e. Well, malamang, ang basa natin diyan ay takot nang pumasok sa Quezon City ang mga bigtime pushers/couriers o dealers.

May phobia na kasi ang mga demonyo sa Kyusi. Batid nilang kapag sa QC ginawa ang transaksiyon, tiyak na kalaboso sila. Bukod sa hindi nila kayang tapatan ng drug money ang tropa ni Figueroa.

Kung inyong matandaan, ilan sa huli ng DAID ay tumatanggi na, ang mga drug dealer na makipagtransaksiyon kapag sa loob ng QC ang bayaran o palitan ng droga at salaping bayad dito. Alam nila kasi na swak sila kapag sa QC mangyayari ang transaksyon.

Kaya, sa labas na ng lungsod kung minsan ang transaksiyon pero, wala pa rin silang lusot sa DAID. Kalaboso pa rin ang mga demonyo.

Isa sa patunay ang mga nahuli noong Disyembre 11, 2015 sa Pasay City. Ang unang usapan ay sa QC ang transaksiyon pero nagbago ang isip ng mga dealer. Ipinalipat nila ang venue sa Pasay pero, swak pa rin sila.

Ang operasyong ito pala ay pinagsanib-puwersa ng DAID at District Special Operation Unit (DSOU) na pinamumunuan ni Supt. Jay Agcaoili. 

Uli, ‘wag mabahala kung walang huling malaki ang DAID sa nagdaang Enero, malamang may tinatrabaho silang malaki bukod sa malamang ay takot nang pumasok sa QC ang mga demonyo.

Hangga’t si Tinio ang direktor ng QCPD, walang makalulusot na bigtime drugs dealers sa lungsod.

Ops teka, may huli naman ang DAID nitong Enero 20, 2016. Hindi nga lang shabu pero, hindi matatawaran ang huli. Bente pirasong blokeng pinatuyong marijuana na nagkakahalaga ng P400,000 “street value.” Nakompiska ito kay Raplh Joem Ubaldo sa isinagawang buy-bust operation sa Brgy. Sacred Heart, QC.

Narito pala ang mga bumubuo ng DAID – mga action man na laban sa droga. Siyempre, una rito ang kanilang masipag na hepe, si Figueroa; sumunod ay sina Sr. Insp/s. Manuel Laderas, Don Llapitan, Rogelio Diaz, Ramon Castillo; Insp. Dennis Francisco, SPO3 Gerardo Guimson, SPOs2 Nestor Padilla, Johnny Mahilum, Sandino Rodriguez, Jose Agub, SPOs1 Roel Hamor, Eric Lazo, Noel Magcalayo, POs3 Edmond Paculdar, Ronnie Camba, Arman Labrador, Edwin Guzman, Christopher Aquino, Antonio Salamanque, Noel Balleras, Danilo Pacurid, POs2 Bryan Jay Pajardo, Michael Rito at Jeznel Janz Trinidad.

About Almar Danguilan

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *