Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kiko, nairita sa viral photo issue

012816 Kiko Estrada
FINALLY, nakita na rin namin ang viral photo na sinasabi nilang si Kiko Estrada. Iyan ang naging usapan noong presscon ng kanyang seryeng That’s My Amboy. Hindi man niya gustong ipahalata, nahalata naming nairita si Kiko sa paulit-ulit na pagtatanong sa kanya tungkol sa bastos na viral photo.

Katatapos lang kasing lumabas ang bastos na video ng dalawang iba pang male stars. Iginigiit ni Kiko na hindi siya iyon at wala siyang kinalaman doon. Sinabi rin niyang never in his life na gumawa siya ng ganoong picture.

Gusto nga sana naming ilabas ang nasabing picture, pero sino mang nakaiintindi ng photography at lalo na kung wala pa namang kulaba ang mata, halatang-halata na inilagay ang ulo ni Kiko sa katawan ng ibang tao. Hindi rin magaling ang nagdugtong, kasi moderno na nga ang pamamaraan ngayon, may photoshop na, hindi pa ipinantay ang density niyong background doon sa ulo ni Kiko. Kaya nga sinasabi naming maliban kung may kulaba ka sa mata, o masyadong excited na makita si Kiko, hindi mo sasabihing siya iyon.

Hindi namin masisisi kung may mga artistang mairita kung minsan, lalo’t kung pinipilit ngang sila ang nasa mga ganoong picture o material ganoong hindi naman sila. Nakita naman natin in the past kung ano ang reaksiyon niyong mga nagkaroon ng sex video. Hindi na lang sila kumikibo, kasi sila talaga iyon. Pati nga iyong young girl na hindi mo iisiping marunong na pala ng ganoon nanahimik na lang eh. Lalo na noong nagkaroon ng comparison sa background ng video at iba niyang “wholesome pictures”.

Madali mo naman kasing mabuko iyang mga ganyan kung totoo o hindi.

Years ago, may nakita rin kaming nude photos ng noon ay dalawa sa pinakasikat na matinee idols. Immediately alam namin iyong isa ay totoo, at iyong isa ay fake. Roon sa fake, makikita mo ang bakas ng lapis. Lapis at retouching fluid lang kasi ang ginagamit noong araw na wala pa iyang photoshop. Iyong isa alam mong totoo kasi talagang maliwanag at outdoor ang location.

Hindi na bago iyan. Marami na talagang ganyan noong araw pa. Ang masasabi lang namin sa mga ganyan, don’t bother.

( Ed de Leon )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …