Thursday , December 26 2024

Cong. Win Gatchalian pasok sa No. 12 sa RMN senatorial survey

CRIME BUSTER LOGOMULING pumasok sa “Magic 12” o winning circle ng mga senatorial bets si Valenzuela City Rep. Sherwin “Win” Gatchalian sa nationwide survey na isinagawa ng Radio Mindanao Network (RMN) nitong nakaraang Enero 5-14.

May kabuuang bilang na 3,578 randomly selected radio listeners na pawang registered voters ang na-interview ng face-to-face ng surveyors ng RMN Research Department. Ang nakuhang datos ng RMN Data ay masusing na-check at naberipika ng independent research consultants. Ang margin of error ay (+) or (-) 2.5%, ayon pa sa RMN Research Department.

Pulse Asia Survey

MATATANDAANG pumasok din si Gatchalian sa Magic 12 sa Pulse Asia survey na isinagawa noong Disyembre 4-11, 2015 na nakapagtala ng 36 percent voter preference si Gatchalian na siyang pinakamataas na survey rating na kanyang nakamit.

 Umabot sa 22.64 percent ang boboto kay Gatchalian sa pagka-senador sakaling ngayon gagawin ang eleksiyon. Ang naturang voter preference ay naglagay kay Gatchalian sa No. 12 position at nalampasan pa niya ang re-electionist senator na si Teofisto Guingona Jr., na nasa No. 13 na lang.

Pinakamataas ang voter preference ni Gatchalian sa Northern Luzon na nakapagtala siya ng 33.42 percent. Taga-Isabela ang ina ni Sherwin at malimit siyang umikot sa mga lalawigan ng Luzon kung kaya marahil mataas ang voter preference niya rito.

Sinundan ito ng National Capital Region na 22.30 percent ang boboto kay Gatchalian na miyembro ng Nationalist Peoples Coalition. Ibig sabihin din nito ay nagmarka sa mga taga-Luzon at NCR ang serye ng TV commercials ni Sherwin na malaking tulong sa pagtaas ng kanyang popularidad.

Sa naturang RMN survey ay nanatili sa No. 1 si Senador Grace Poe sa pagka-pangulo na may 28.59 percent at malakas pa rin kandidato sa pagka-bise presidente si Senador Chiz Escudero na may 33.14 percent voter preference.

No. 1 din sa RMN survey si Senador Tito Sotto na re-electionist senator. Kasama ni Sotto si Gatchalian sa partidong NPC at sa senatorial ticket ng Poe-Escudero tandem na tinatawag na Partido Galing at Puso.

Samantala, kabilang din si Gatchalian sa anim na senatorial candidates na iniendoso ng Partylist Coalition Foundation na may sinasabing 15.5 million votes na puwedeng i-deliver sa mga kandidato sa pagka-senador.

Ayon kay CIBAC Rep. Sherwin Tugna, anim na senatorial candidates lang ang kanilang susuportahan at sila ay mga kasamahan nila sa House of Representatives na miyembro si Gatchalian.

Iniendoso rin ang senatorial candidacy ni Gatchalian ng militanteng Partido Manggagawa at kamakailan ay itinaas din ang kamay ng kongresista ng movie producer na si Mother Lily Monteverde.

Kabilang si Gatchalian sa senatorial ticket na iniendoso ni dating Pangulo at ngayo’y Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada.

About Mario Alcala

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *