Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Senglot pinatay ng napikon na katagay

BINAWIAN ng buhay ang isang lalaki makaraang mapatay ng lasing niyang kainoman nang magkapikonan sa San Jose del Monte City, Bulacan kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang biktimang si Mark Selovia, residente ng Colinas Verdes Subd., Brgy. Tungkong Mangga, sa naturang siyudad, habang ang suspek ay Wilmer Bangalisan, ng Harmony Hills 3, Brgy. Loma de Gato, Marilao, sa lalawigang ito.

Ayon sa ulat, masayang nag-iinoman ang biktima at ang suspek kasama ng ilang kaibigan nang magkapikonan ang dalawa habang nagkukuwentohan.

Bunsod nang sobrang kalasingan, hindi napayapa ang dalawa ng kanilang mga kasama. Hanggang tumayo ang suspek, kumuha ng dalawang bote ng alak at ipinalo sa ulo ng biktima.

Napuruhan ang biktima sa ulo na naging dahilan nang agad niyang pagkamatay.

Mabilis na tumakas ang suspek na kasalukuyan nang tinutugis ng mga awtoridad.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …