Friday , November 15 2024

Manilenyo malaki pa rin ang tiwala kay AA

00 aksyon almarNOONG pista ng Quiapo o ng Mahal na Nazareno, makikitang maraming deboto ang dumalo – kabilang siyempre ang mga Manilenyo. Bakit maraming dumalo? Dahil ito sa pananampalataya at paniwalang maraming nagawa at magagawa pang himala ang Nazareno sa kanila.

Sa madaling salita, malaki ang tiwala nila sa Nazareno. Sinasabing ganito rin ang paniwala at pagtitiwala ng Manilenyo kay Ali Atienza. Naniniwala silang tanging si Ali Atienza lamang ang makasasagot sa mga pagbabagong ninanais nila sa lungsod lalo na sa mga suliraning tungkol sa hanapbuhay, edukasyon at kalusugan.

Samantala, ang bigat at hirap na dinaranas ng maliliit o malaking negosyante ngayon sa Maynila dahil sa pagbabayad ng ipinataw na 300%  tax ay baka ikalugmok ng mga mamumuhunan sa Maynila.

Sa loob ng 9-taon paglilingkod ni Ali sa Maynila, naniniwala ang Manilenyo na marami siyang ginawang pagsisikap upang ipaglaban ang karapatan at kapakanan ng mga mamamayan.

Sa kabila ito ng ginawang panggigipit sa kanya at hindi pagbibigay ng ano mang pondo at komite, pero kinaya niya ang lahat matulungan lamang ang nangangailangan.

Sa Tondo lamang, hindi man teritoryo ni Ali ang Tondo, ngunit nagkakaisa ngayon ang mga taga-Tondo upang suportahan si Ali sa pag-asang siya ang babago sa kinabukasan ng kanilang mga anak.

Ang Tondo ay isa sa mga lugar na dapat bigyang pansin dahil sa sitwasyon ng pamumuhay dito. Sabi nila, para raw silang nakalimutan na ng gobyerno, pero ngayong nakilala nila si Ali, ramdam nila may pag-asa.

Hindi kailangan ni Ali ang lumabas sa kalsada para magmando ng trapiko o makipag-away sa mga driver , para lang tumino ang Maynila. Ang kailangan ay isang ordinansa na magsasalubong sa magkaparehong benepisyo ng commuter, motorista at mga driver.

Hindi kailangan daanin sa dahas o sapilitan ang pagbabago at pag-unlad ng Maynila. Isang mahinahon, madiplomasya, matalino, mahusay at wastong karanasan ang kailangan sa Maynila. Nakikita raw ito ngayon ng Manilenyo kay Ali.

Gawing patas ang batas

Medyo tumitino na ang trapiko sa EDSA sanhi ng mahigpit na pagpapatupad sa yellow lane law.

Nitong Lunes (Enero 18, 2016) sa unang araw ng paghihigpit sa no private vehicles sa loob ng yellow lane maraming nasita at hinuli sa kabilang mga paunang babala.

Ang unang araw ay nagresulta ng sobrang mabagal na daloy ng mga sasakyan. Umaga hanggang alas-diyes ng gabi ay bumper to bumper pa rin mula Quezon Avenue/EDSA hanggang Cubao, Quezon City (South Bound). Samantala, nang hindi ipinatutupad ang yellow lane, alas-siyete pa lamang ng gabi ay maluwag na ang daloy ng mga sasakyan sa lugar.

Bago pa ang higpitan blues, isa pa sa nakitang kapalpakan ang paglalagay ng separation plastic  barrier (kulay orange) sa EDSA para ihiwalay ang pribado sa pampubliko. Sa paglalagay nito ay lalo pang nagkawindang-windang ang trapik. Tulad na rin ng paglalagay ng plastic barrier sa East Avenue kanto ng EDSA, QC. Simula nang maglagay ng barrier ang MMDA sa lugar, dumoble o trumiple  ang problema sa East Ave. Umaabot na ang buntot ng mga sasakyang naipit sa trapik sa heart center… kung minsan hanggang Elliptical Road (Circle).

Pero infairness, nitong Martes,  gumanda na ang daloy ng trapiko sa EDSA-Quezon Avenue hanggang Cubao (south bound), hindi po natin alam kung epekto ba ito ng mahigpit na pagpapatupad ng yellow lane o nagkataon lamang.

Ano pa man, makikitang hindi mga pampublikong sasakyan ang sanhi ng problema kundi ang sobrang dami ng private vehicles sa EDSA.

Isa sa solusyong pinag-aaralan ay pagbawalan sa mga lansangan ang mga pampublikong sasakyan na 15 taon na ang tanda.

Kaya, kapag may batas nang bawal ang mga sasakyang 15 taon na, private at public, sige go tayo riyan. Mas okey pa nga na mag-commute kapag naisabatas at naipatupad na ito dahil magiging mabilis na ang biyahe.

Bukod dito, dapat hindi lang sa Metro Manila ipagbawal ang giyera laban sa matatandang sasakyan kundi sa buong bansa.

About Almar Danguilan

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *