Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

QC employee walang GMRC

THE WHO logoTOTOO palang ubod nang bastos at yabang ang isang empleyado ng Quezon City Hall -Administrative Management Office (AMO) na pinuna ng ating mga kalugar noong nakaraang linggo.

Napag-alaman natin sa isang empleyada na taga- City Hall na biktima ng pambabastos, hindi lang pala flying kiss at pamamato ng tansan ang inabot niya sa ‘Damuhong Bastos’ or in-short DB.

Alam n’yo ba kung ano pang pinaggagawa niya sa kabaro niyang babae na maasim pa pero may edad na?

Sabay gano’n may edad pa talaga ha!

Ituloy natin, alam n’yo ba kung anong ginawa pa nitong Damuhong Bastos kay babaeng maganda? Nag-dirty finger pa siya! ‘Di ka pa nakontento sa flying kiss at pamamato ng tansan nag-dirty finger pa?!

Akalain n’yo ‘yun!

Ang galing-galing mo ‘no?!

Kung matatandaan, ginulpi sa loob ng restobar itong si DB ng syota ng babae na empleyado rin sa City Hall, tumulong ang ibang mga customer sa lugar dahil nga sa kanyang katarantadohan.

Ang nangyari, nauwi sa presinto ang gulpihan at dito hinaras pa ulit ng kumag na si babae dahil pinagkatititigan siya nang masama at ngingisi-ngisi na parang aso!

Teka nga muna…ngumingisi ba ang aso?

Nagtatanong lang.

To cut the long story short, dumating sa areglohan ang usapin dahil may dumating pang isa ring bastos na Department Head sa presinto at pinilit daw na i-waive ang reklamo ni babae sa gunggong na DB!

Suwerte na mo! Hak hak hak hak hak!

Pero ang buong akala ni babae tapos na ang usapin, aba’y noong minsan daw nang magkita sila ni DB talagang nakamamatay ang titig na ipinukol ulit sa kanya.

Anak ka ng tipaklong!

Malamang si DB panay ang absent sa Good Manners and Right Conduct(GMRC) no’ng estudyante pa siya kung kaya’t gano’n na lamang ang pakikitungo niya sa mga babae.

Nag-iisip ngayon si babae kung sasampahan na niya ng reklamo sa Ombudsman si DB para madala raw?!

Push mo ‘te! Para maintindihan niya ang ginagawa niya!

Bwahahahahahaha!

Attention City Administrator Aldrin Cuna balita namin nasa ilalim ng iyong departamento ang AMO, pakikutusan ehek, pakipalo nga sa puwet si DB!

Please lang…

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jethro Sinocruz

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …