Thursday , December 26 2024

Checkpoint guidelines: Alamin ang inyong Karapatan

00 pulis joeyUPANG hindi na tayo magmistulang sirang plaka sa pagpapaliwanag nang paulit-ulit tungkol sa PNP-Comelec Checkpoint, minabuti kong ipablis sa kolum na ito ang ‘Checkpoint Guidelines’.

Narito ang inyong mga karapatan:

  1. Ang checkpoints ay dapat nasa maliwanag na lugar, maayos na nakikilala at isinasagawa ng mga nakaunipormeng alagad ng batas.

  2. Sa paglapit, bagalan ang iyong sasakyan, hinaan ang ilaw sa unahan at buksan ang ilaw sa loob.

  3. Huwag lumabas ng iyong sasakyan.

  4. I-lock ang lahat ng pintuan ng iyong sasakyan habang ini-inspection dahil visual search lamang ang pinapayagan.

  5. Huwag pumayag magpakapkap sa katawan (physical o body search).

  6. Ang motorista ay hindi kailangang buksan ang kanilang glove compartment, trunk o bags.

  7. Maging magalang sa pagsagot kapag tinanong, igiit ang inyong karapatan, dapat kayo’y nasa presence of mind at ‘wag magpanik.

  8. Ihanda lamang ang inyong driver’s license at car registration (para maipakita sakaling hanapin).

  9. Maging handa sa paggamit ng mobile phones (cell phones) sa anumang oras, speed dial emergency numbers.

Ganito rin ang guidelines kahit sa checkpoint sa mga motorsiklo.

Pero mayroon ding mga bagay na ikinokonsidera rito. Tulad ng hot pursuit operations. Kung naka-tip o naka-timbre ang inyong sasakyan na gamit ng mga kriminal o may kargang mga ilegal, ito’y kailangan sumailalim sa searching.

‘Yan po ang ating (motorista) mga karapatan pagdaan sa PNP o AFP checkpoints!

Daming tulak sa Brgy. RSB, La Carlota City

Sir Joey, report ko po na dito sa aming Brgy. RSB, La Carlota City ay  talamak masyado ang bentahan ng shabu. Ang mga kilalang tulak dito ay sina Ritchie, Roderick, Lenien, Ryan at marami pa. Sana maaksiyunan agad ito nina Brgy, Captain Aries Mayor Ferrer at ng hepe ng pulis dito sa lungsod. – Concerned citizen

Nagkalat mga adik at tulak sa Purok 2 Kalapati, Olongapo

Mga perwisyong adik sa Purok 2, Kalapati, Olongapo naglalabasan kapag madaling araw. Walang ginagawa ang mga pulis kahit ang barangay. Dito po sila mismo sa may basketball court, mismo sa tabi ng barangay nag-aabutan ng shabu. – Concerned senior citizen

Mga dapat hinuhuli ng DSWD-Manila

Sir Joey, good am po. Tanong lang po namin: Bakit madalas kami hinuhuli na mga tambay ng DSWD Rock dito sa Plaza Lawton Post Office, tapos pakakawalan din kami tapos malista ang pangalan namin? Sana ang hinuhuli nila eh yung mga magnanakaw, holdaper at yung mga pusher dito sa Lawton Plaza tulad nitong si alyas Kabayo na isang adik at tulak ng shabu. At marami po tambay rito na mga adik bandang 12:00 ng gabi hanggang 5:00 ng umaga. Dami rin dito mga tambay na holdaper at magnanakaw. Dapat ito ang pinaghuhuli nila. – Concerned citizen

Para hindi kayo madamay sa panghuhuli ng DSWD-Manila, huwag na kayong tumambay diyan sa Lawton Plaza kung wala rin lang kayong ginagawa dyan.

Mga video karera at fruit games ni Kagawad sa Brgy. 200, Tondo

Sir Joey, report ko po dito sa Brgy. 200 Hermosa, Pilar, Tondo, Manila, nagkalat po ang fruit games at video karera ni Kagawad “PA”. Yung mga anak namin hindi makita kapag hinahanap namin, nandun pala sa mga devil machines nya. Hindi po kayang hulihin ng taga-7 (MPD). Palagi niyang pinagmamalaki may timbre daw po sya. Opisyal pa naman sya ng barangay. Nagkamali kami sa pagpili sa kanya. Sana po maaksiyunan at ipahuli ito sa ibang unit ng pulis. – Concerned citizen

REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc.,  Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015

Cell: 099-8974-7723/ E-mail add: [email protected]

About Joey Venancio

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *