Friday , November 15 2024

Mabuti pa ang mga taxi driver ng Baguio City

00 aksyon almarISA na naman taxi driver ang viral sa internet partikular na sa FaceBook dahil sa ugaling ipinakita sa kanyang naging pasahero matapos na sitahin sa kanyang paghihingi na dagdag singkuwenta pesos.

Humingi ng dagdag P50.00 ang driver dahil sa sobrang trapik daw. Naku, sobrang trapik man ‘yan, walang karapatan ang sinoman driver na manghingi ng dagdag sa pasahe at sa halip, hintayin ng isang driver kung ang kanyang pasahero ay magkukusang magbigay ng dagdag.

Oo hindi iyong ipinagpilitang manghingi at kapag hindi mapagbigyan ay tatarantaduhin ang kanilang pasahero. Mabuti na lamang at nandyan ang mga makabagong gadyet – cellphone na may mga camera at nakuhanan ang masamang asal ng drayber.

Ipinatatawag na ang drayber ng Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) para sa kanyang panig — upang ipagtanggol ang sarili upang hindi ito bawian ng driver’s license.

Tiyak na mangyari ay malamang na magmamakaawang hihingi na lamang  ng tawad ang drayber at marahil ay magtanda na siya sa kanyang asal. Kung tawad lang naman siguro, maaaring patawarin ng nagreklamong pasahero pero, nararapat lang na kanyang tuluyan ang drayber para talagang magtanda at hindi na siyang pamarisan ng ibang drayber.

Katunayan, hindi lang itong mga nahuli sa akto na naging viral ang mga drayber na may kakaibang ugali o asal, kundi marami po sila. Naranasan na rin natin ang ganito pangyayari – ang kinokontrata ng drayber pero hindi ubra sa ating  ang kanilang asal.

Lamang, kinakailangan nga lang na magpakilalang media. Nang magpakilala po tayo, hayun biglang tameme ang driver at habang tumatakbo ang taxi ay kung ano-ano nang paliwanag ang marinig mo kay mamang driver. Katuwirang baluktot. Teka, hindi ba hanggang ngayon ay mayroon pa rin iyong less P10.00 sa flat rate? Anyway, aalamin natin iyan sa LTFRB para sa kaalaman ng lahat.

Sa tuwing may napapaulat na ganito – ang hinggil sa mga abusadong taxi driver, hindi ko tuloy maiwasan na parating ikompara ang mga taxi driver ng Metro Manila sa mga taxi driver ng Baguio City.

Napakalayo ng diperensya – taliwas ang lahat. Kung anong kasama ng nakararaming taxi driver sa paniningil ng pasahe sa kanilang pasahero sa Metro Manila, naku po kabalidtaran naman ito sa Baguio City.

Sa Baguio, paghinto ng taxi sa tapat mo, hindi na nila pa tatanungin kung saan ka pupunta bagong buksan ang pintuan at sa halip sakay na agad at saan man dako – malayo man o malapit lang, ihahatid ka nila ng wala man lang marinig mula sa kanila na reklamo o kahilingang dagdag pasahe.

Katunayan, kahit sukling piso ay ibibigay ng mga Baguio taxi drivers. Ganoon sila sa Baguio City. Matino.

Hindi tulad sa Metro Manila na marami sa kanila ang mareklamo at gustong sila lang ang mabuhay. Bagamat mayroon naman mga mabubuting driver na dahil sa magandang asal na ipinakikita sa kanilang mga pasahero ay kusang nagbibigay ng dagdag ang mga pasahero.

Bukod sa may mga taxi driver din na masasabing tapat o honest sa kanilang mga pasahero lalo na kapag may naiwanan sa kanilang taxi. Isinasaoli nila ito sa pamamagitan ng programa ni Raffy Tulfo sa Radyo 5 tuwing 2pm hanggang 4pm. Batid ko iyan dahil araw-araw din tayong nakikinig sa programa. Congrats sa iyong programa Sir Raffy maging sa iyo Ms. Nina Taduran.

Balik tayo sa mga taxi driver lalo na sa Metro Manila. Kayong mga magugulang ay magbago na kayo. Kung satingin niyo talo kayo sa pamamasada dahil sa sobrang traffic, aba’y tumigil na kayo sa pamamasada. Maghanap kayo ng bagong trabaho at hindi iyong manggugulang kayo ng kapwa. At kapag hindi mapagbigyan ay tatarantaduhin niyo ang inyong pasahero.

Sa ugali niyong iyan, maging ang mga matitinong drayber ay nadadamay sa inyo.

About Almar Danguilan

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *