Sunday , November 24 2024

Imbestigasyong gagawin ng Kamara sa MMFF, baka mauwi rin sa wala (Top grosser sa MMFF, pinagtatalunan pa rin)

122115 MMFF
PALAGAY namin, napa-panahon nga iyang gagawing congressional hearing tungkol sa Metro Manila Film Festival. Natatakot lang kami na baka wala ring mangyari sa kanilang imbestigasyon. Una, ilang araw na lang ang natitira sa termino ng mga congressmen na iyan. Baka nga hanggang imbestigasyon lang iyang mga iyan eh. Ni hindi na makagagawa iyan ng committee reports sa kanilang nakita.

Nangyari rin iyan noong araw sa senado. Inimbestigahan na ng senado iyang film festival noong 2008. Maraming statements. Maraming suggestions. Marami ring natuklasang masasabi nga sigurong hindi illegal pero mga trabahong nakahihiyang aminin, kagaya nga ng pagtanggap noon ng “cash gifts” ng ilang pinuno ng MMDA mula sa kinita ng festival. Maraming kumuwestiyon noon kung bakit ang isang ahensiya ng gobyerno kagaya ng Optical Media Board na may budget sa ilalim ng General Appropriations Act bilang isang ahensiya sa ilalim ng tanggapan ng pangulo ay nakiki-arbor pa sa maliit na kita ng festival.

Marami ang nagtaas ng kilay nang malaman nila na kumukuha pa rin sa baryang kita ng festival ang “social fund” ng Presidente ng Pilipinas. Ang laki na nga ng discretionary funds ng presidente, may disbursement acceleration program pa, tapos pati ang baryang kita ng festival tatalbusan pa.

Pero ano ang nangyari noon? Ni wala yatang lumabas na committee report at definitely walang nagawang batas bagamat ang imbestigasyon ay sinasabi ngang “in aid of legislation”. Ngayon ganyan na naman ang mangyayari sa Kamara.

Lalabas lang ang ebidensiya at usapan na ikasasama ng loob ng masa, pero anong aksiyon nga ba ang magagawa nila para iyan ay hindi na maulit? Mayroon bang sapat na bilang ng congressmen na magiging interesado na gumawa ng batas para mailagay na nga sa ayos iyang Metro Manila Film Festival na sa totoo lang nagkaloko-loko simula nang pumasok iyong Cory government noon dahil si Presidente Cory ang gumawa niyang bagong executive order na iyan na ginagamit sa festival. Inalis iyong LOI na ginawa ni Presidente Marcos noong 1975, na gumagabay sa mas maayos na festival.

Huwag kayong mga hangal ano. Mas maganda ang Metro Manila Film Festival noong araw, kaysa festival ngayon.

Top grosser sa MMFF, pinagtatalunan pa rin

KUNG maging top grosser si Vic Sotto, dati nang nangyayari iyan. Kung si Sotto ay talunin ni Vice Ganda, nangyari na rin naman iyan noong araw. Pero ngayon talagang matindi ang pagtatalo nila. Dahil iyan sa AlDub.

Kung manalo ang pelikula ni Sotto, ibig sabihin talagang matindi ang dating ng AlDub dahil kahit na ganoon lang ang pelikula nila, kinagat ng publiko dahil sa kanila. Kung manalo ang pelikula ni Vice, ibig sabihin may pag-asa pa ang kanyang noontime show kahit paano. Isama na nila sa TV show nila iyong JaDine kung ganoon.

Iyon ang talagang masasabi mong “bone of contention” diyan eh. Mas malaking negosyo naman iyong TV shows kaysa isang pelikula. Maganda lang sukatan iyang pelikula dahil ang manonood niyan ay kailangang magbayad, hindi kagaya sa TV na kuryente lang ang babayaran nila.

Pare-pareho nilang kailangan ang “validation” ng kanilang popularidad sa publiko sa pamamagitan ng kanilang pelikula sa festival. Iyon ang dahilan kung bakit pareho silang mainit na matawag na top grosser sila. Tingnan ninyo iyong walang naglalabang TV show, wala silang pakialam sa gross, basta kumita ang pelikula nila, ayos na iyon. Basta hindi lang Nilalang-aw.

HATAWAN – Ed de Leon

About Ed de Leon

Check Also

Enrique Gil

Bagong serye ni Enrique sa Europe kukunan

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING masaya ang mga faney ni Enrique Gil dahil sa wakas ay …

GMA 2024 Christmas Station ID

Paskong Pinoy ipinadama ng mga mamamahayag ng GMA

RATED Rni Rommel Gonzales TIME-OUT muna sa paghahatid-balita ang mga batikang mamamahayag ng GMA dahil kasama silang …

Kathryn Bernardo Alden Richards Maine Mendoza KathDen Aldub

Al-Dub nag-ingay ayaw patalo sa KathDen

I-FLEXni Jun Nardo NIYANIG na naman ng Al-Dub (Alden Richards at Yaya Dub (Maine Mendoza) ang X (dating Twitter) nang nagkagulo …

JC De Vera Lana Laura

JC hands on tatay sa mga anak — kasama na future ng pamilya ko

I-FLEXni Jun Nardo BINAGO ang pananaw sa buhay ni JC De Vera mula nang magkapamilya at magkaroon …

Blind Item, matinee idol, woman on top

Dating sexy male star napeke ni aktres

ni Ed de Leon GUSTO nang hiwalayan ng isang dating sexy male star ang kanyang asawa. Una, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *