Sunday , December 22 2024

Bebot binoga sa ulo patay (Sa unang araw ng gun ban)

SA unang araw ng pagpapatupad ng gun ban sa buong Filipinas, isang babae ang binaril sa ulo ng hindi nakikilalang suspek sa Caloocan City kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang biktimang si Meiji Moreno, 28, ng 260 North Diversion Road, Bagong Barrio ng nasabing lungsod.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga tauhan ng Caloocan City Police upang matukoy ang pagkakakilanlan ng suspek at ang motibo sa pagpatay sa biktima.

Ayon kay Chief Insp. Ilustre Medoza, hepe ng Caloocan Police Station Investigation Division, dakong 1:30 a.m. nang maganap ang insidente sa Zamboanga St., corner Bukidnon Alleys, Brgy. 153, Bagong Barrio ng nasabing lungsod.

Sa imbestigasyon nina homicide investigators PO2 Edgar Manapat at PO2 Cesar Garcia, nag-iinoman ang biktima at ang kanyang ina na si Mary Jane kasama ang isang April Anne Capillo sa loob ng kanilang bahay hanggang umalis si Capillo.

Makalipas ang ilang sandali, tinawagan ni Capillo sa cellphone ang biktima at sinabing magkita sila sa hindi pa natukoy na lugar.

Naglalakad si Moreno patungo kay Capillo nang barilin sa ulo ng hindi nakilalang suspek.

Pagkaraan ay mabilis na tumakas ang suspek sa hindi natukoy na direksiyon.

Makaraan ang insidente hindi na nakita si Capillo na hinahanap ng pulisya para sa kaukulang imbestigasyon.

About Ric Roldan

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *