Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Shabu queen tiklo sa Kalye Demonyo (Paslit pa tulak na)

HINDI nakapalag nang pagsalikopan hanggang maaresto ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang tinaguriang “shabu queen” ng Bulacan sa isinagawang entrapment operation kamakalawa.

Sa ulat mula sa tanggapan ni PDEA Director General Arturo G. Cacdac Jr., kinilala ang suspek na si Sharry J. Bartolome, residente ng Brgy. Minuyan Proper, San Jose Del Monte City, Bulacan.

Ayon sa imbestigasyon, dakong 7 p.m. nang masakote si Bartolome makaraang bentahan ng 53 gramo ng shabu na may street value na P243,000, ang isang PDEA agent sa Kalye Demonyo, Road 2, sa naturang barangay.

Nabatid sa ulat ng mga awtoriad na paslit pa lamang si Bartolome ay ginagamit na siya ng sindikato bilang drug courier hanggang siya ay maging isang big time shabu dealer.

Kasalukuyang nakapiit si Bartolome sa detention cell ng PDEA Regional Office 3 sa Camp Olivas, San Fernando City, Pampanga habang inihahanda ang kasong isasampa laban sa kanya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Joey Salceda

Salceda, walang kinaalaman sa ‘2024 national budget insertions’

MATINDING pinabulaanan ni dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang paratang na mayron siyang kinaalaman …

Nartatez PNP

PNP sa Ilalim ni Chief Nartatez: Disiplina, Aksyon, at Kongkretong Resulta

Sa larangan ng pagpapatupad ng batas, hindi nasusukat ang pamumuno sa dami ng sinasabi o …

Grab LTFRB

Grab PH respetado utos ng LTFRB 50% bawas sa pasahe ng TNVS

IGINAGALANG  ng Grab Philippines ang utos ng pamahalaan na bawasan pansamantala ng 50% ang pasahe …

American Bully Dog Kobe

Valenzuela LGU kinondena karumal-dumal na pagputol sa dila ng American Bully

GALIT at bibigyan ng hustisya ng Valenzuela local government unit (LGU), maging ang may-ari ng …

Patas na pasahe para sa TNVS drivers at pasahero

IKINABAHALA ng TNVS Community Philippines ang Memorandum Circular ng LTFRB na nagbababa sa surge pricing …