Friday , November 15 2024

Reinvestigation sa SAF 44, ‘wag gamitin sa kampanya

00 aksyon almarEKSAKTONG isang taon na sa Enero 25, 2016  ang Mamasapano massacre – 44 magigiting na miyembro ng PNP Special Action Force (SAF)  ang pinatay na parang hayop sa nasabing insidente.

Anibersaryo na ng trahedya pero nasaan na ang ipinangakong katarungan ng ating Pangulong Noynoy sa iniwang pamilya ng mga napaslang.

Nasaan na ang pangako ni PNoy? May nakulong na ba sa mga rebelde? Wala! At sa halip hanggang ngayon, gusto pa rin ni PNoy o higit na binibigyang ng halaga ang kanyang ipinagpipilitang BBL na papabor sa mga rebelde sa Mindanao.

Kung sabagay, sanay na ang mga kababayan natin sa pulos pangako ng pamahalaang Aquino na walang nangyayari o kung mayroon man ay… nasaan?

Sino-sino ang mga nakinabang? Mga Pinoy ba o si PNoy at mga bataan ni PNoy?

Sa Enero 25, sa unang anibersaryo ng SAF 44, malamang na may event na inihanda ang mga SAF para sa kanilang mga katoto bilang paggunita na kabayanihan ng mga napaslang.

Sisiputin naman kaya ng Pangulo ang okasyon? Malabo siguro lalo na’t wala pang nangyayari sa kaso para sa kawawang mga pulis natin. Bukod sa malaki ang posibilidad na balewalain lang ito ng Palsyo dahil noon nga, nang dumating  ang mga labi ng 44 sa airport, ay walang paki si PNoy este, mali pala kundi may mas nauna at importante siyang appointment noon – ang pagdalo sa okasyon ng Mitsubishi.

Hayun naman pala, hindi sa walang paki ang Pangulo.

Intindihin naman ninyo ang Pangulo natin, total e bilang na ang araw niya sa Malacañang.

Kailan kaya makamit ng mga bayani natin ang katarungan?

Kung sabagay, si Heneral Antonio Luna nga ay hindi pa nakakamit ang katarungan sa pagpaslang sa kanya –  ng mga traydor, ang katarungan pa kaya para sa SAF 44. ‘Di ba mahal na Pangulo?

Kayo naman mga kababayan, nangako na nga sa pamilya ng SAF 44, gusto ninyo tuparin pa?

***

Ngayon, mainit na naman ang isyu sa SAF 44 hindi lamang dahil sa wala pang nangyayari sa kaso kundi nais ng ilang mambabatas na buksan uli ang kaso o imbestigasyon hinggil dito. May mga nalalamang impormasyon pa raw kasi ang ilang mambabatas sa  insidente.

Walang masama kung muling buksan ang imbestigasyon sa SAF 44 para magkaalaman na talaga kung ano pa ang karagdagang impormasyon hinggil sa nangyari o pagpapapain sa mga pulis natin.

Lamang, sana ay walang bahid nang pamomolitika ang plano. Walang bahid na self interest.

Alam naman natin na election fever na para sa 2016 national and local elections. Sana ay hindi magamit ang SAF 44 lalo na ng mga kandidatong kalaban ng administrasyon.

Maaalala natin, nang maging mainit na isyu ang SAF 44, bumagsak ang popularity rating ni PNoy at siyempre, nadamay dito ang kanyang kandidatong si Mar Roxas lalo na’t wala siyang kinalaman sa operasyon noon.

Kaya sana, kung sakaling bubuksan nga uli ang imbestigasyon sa SAF 44, ang tunay na makinabang ay ang mga napaslang gayondin ang kanilang mga iniwan na mga mahal sa buhay at hindi ang mga walanghiyang mga kandidato o politicians natin.

About Almar Danguilan

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *