Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ogie, talent na lang at ‘di na executive sa TV5

010716 OGIE alcasid
WELCOME naman kay Ogie Alcasid ang partnership ng TV5 at ng Viva Entertainment ngayon. Sa ilalim ng agreement, ang Viva na pinamumunuan ni Vic del Rosario ang siya nang hahawak ng mga entertainment programs ng TV5. Kung natatandaan ninyo, sinasabing noon ay lumipat si Ogie sa TV5 hindi lang bilang talent kundi bilang executive rin. Maliwanag ngayon na wala na ang ganoong function.

Pero dapat talaga ok na rin sa kanya dahil binigyan din naman siya ng bagong show, at ano nga ba ang magagawa niya sa management decision na makipag-partner sa Viva? Natural lang naman na nangyayari iyan sa networks. Kumukuha sila ng tao na pinaniniwalaan nilang makapagbibigay sa kanila ng magandang ratings. Kung hindi sila satisfied, walang makapipigil sa kanila na magpalit ng format o kumuha ng ibang tao na inaakala nilang mas makatutulong sa kanila para mas mapaganda pa ang ratings.

Nangyari rin naman iyan noong araw nang mag-resign si Perci Intalan noong pumasok si Wilma Galvante. Nawalan din ng control si Galvante nang pumasok naman ang Viva. Natural iyan. Management decision iyan eh. Iyan ang sakit sa propesyon ng mga executives. Basta may inakalang makapagde-deliver kaysa ginagawa nila, napapalitan sila anytime. Of course siguro binabayaran naman sila ng due compensation, o may mga compromise agreement pa rin kagaya ng pagpo-produce ng isa o dalawa pang shows, pero wala kang magagawa kung gusto ka na talagang palitan.

( Ed de Leon )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …