Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Security officer tigok sa tarak (Backride sa trike)

PATAY ang isang 45-anyos security officer makaraang tarakan sa dibdib ng hindi nakikilalang suspek habang ang biktima ay naka-backride sa tricycle ng kaibigan sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Hindi na umabot nang buhay sa Valenzuela Medical Center ang biktimang si Ramon Diaz III, residente ng San Miguel Homes, Santolan Road, Brgy. Gen T. De Leon, Valenzuela City.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga pulis upang matukoy ang motibo sa insidente at ang pagkakakilanlan ng suspek na mabilis na tumakas makaraan ang pananaksak.

Base sa report nina homicide investigators SPO2 Eduardo Tribiana at PO3 Noel Bollosa kay Caloocan City Police chief, S. Supt. Bartolome Bustamante, dakong 9 p.m. nang maganap ang insidente sa Tullahan Road, corner Manotoc Compound Entrance, Sta. Quiteria, Caloocan City.

Naka-back-ride ang biktima sa tricycle na minamaneho ng kanyang kaibigan na si Raymond Adriano, 46, upang ihatid ang kanyang kuya na si Odonell, 50, at asawa na si Purificacion, 57, sa Camarin, Caloocan City, galing sa bahay ni Diaz makaraang dumalo sa kanilang family reunion.

Pagsapit sa nasabing lugar, nagulat ang mga kasama nang humingi ng tulong ang biktima dahil sa saksak sa dibdib kaya agad nilang isinugod sa pagamutan ngunit hindi na umabot nang buhay.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ric Roldan

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …