Friday , December 27 2024

Horrified attacked sa bahay ni Jun Laurel

CRIME BUSTER LOGOSA bayan ng Taguig City ay wala palang pulis-pulis.

Napatuyan ito nang lusubin ng mga hindi pa nakikilalang lalaki na armado ng 12-gauge shotgun at automatic pistol ang magarang tahanan ni Jun Laurel, isang retired pulis sa isang lugar sa Taguig.

Sa insidenteng naganap, talagang ang mga gunmen ay may planong patayin ang kanilang target-subject. Hindi nga lamang sila nagtagumpay dahil nakapagtago sa isang safe na lugar sa loob ng kanyang tahanan ang kanilang target.

Sa bangis na ipinakita ng mga suspect, pinatutunayan nila na wala silang kinatatakutan.

Ang tahanan ni Laurel ay may 200 metro lamang ang layo sa isang PNP precinct ng Taguig mula sa bahay ng nabigong itumba.

Naganap ang paglusob ng mga armadong lalaki sa tahanan ni Laurel bago sumapit ang New Year’s day o bago mag-alas dose ng ha-tinggabi.

Dahil walang immediate response ang Ta-guig City-PNP sa naganap na walang habas na pamamaril sa harapan ng bahay ni Laurel, da-pat magsagawa kaagad ng mabilisang imbestigasyon ang pamunuan ng Philippine National Police. Ang Taguig ay nasa jurisdiction ni EPD director general Elmer “Barako” Jamias.

Sa aktuwal na video footage na ipinakita ng isang TV network sa kanilang pang-tanghaling balita, makikitang may dumating na isang kulay puting SUV na sasakyan sa harapan ng bahay ni Laurel.

Sa unang eksena, isa sa mga sakay ng SUV ang bumaba sa nasabing sasakyan, lumapit sa gate ng bahay ni Laurel at ginamitan ng vault cutter para sirain ang padlock ng pintuan.

Sa ikalawang eksena, dalawang lalaki na ang isa ay armado ng shotgun at ang isa ay armado ng automatic pistol ang bumaba rin sa nasa-bing SUV. Gigil na gigil sila na ilang beses nilang pinaputukan ang gate at ang bahagi ng tahanan ni Laurel. Ang eksena ay naganap ilang segundo bago ang mga walanghiyang gunmen ay umalis sa scene of the crime.

Ibinulgar ni Laurel na ang nabigong pagpatay sa kanya ay maaaring may kinalaman sa politika. May plano raw kasi siyang kumandidatong barangay chairman sa kanilang lugar sa dara-ting na barangay election sa Oktubre.

Dapat rin paimbestigahan ni Mayora Caye-tano ang nabigong  pagpatay sa dating pulis.

Color games nina Rene at Obet pilay sa Zambales

MALAKAS daw sa local na Philippine National Police at sa local government unit (PNP-LGU) ang financier at ang protector ng color games at drop balls na sina Rene at Obet , alias Pilay sa Zambales province.

Halos inaaraw-araw daw nina Rene at Obet ang pagpapasugal ng color games at dropball na ipinalatag nila sa plaza ng Castillejos town. Limang mesa ng color games at dalawang mesa ng dropball.

Hindi lamang sa bayan ng Castillejos may pasugal ng color game at dropball. Makikita rin ang ganoong uri ng sugalan sa plaza sa San Antonio, Zambales na ang financier ay nagngangalang  B. Saldino. Ang nasa Calampandayan Subic ay hawak naman daw ng isang Boy, alias Lim na may dalawang mesa ng dropball.

Alam kaya ni Zambales governor Hermogenes Ebdane na may crooked gambling sa kanyang lugar?

Teka, sa Barangay Balibago, Sta. Rosa, Laguna ay wala na raw baklasan ang perya de sugalan kahit nagpalit ng taon. Naging puesto pijo na. Ang bangker si Ome.

Paging Mayora Arlene Arcillas Nazareno.

Sa Barangay Timbao, Biñan City, Laguna, ginawa na ring puesto pijo ni Ronnie ang kanyang perya de sugalan sa nasabing barangay.

About Mario Alcala

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *