Back to work: Bakbakan na!
Joey Venancio
January 4, 2016
Opinion
MAGANDANG buhay Luzon, Visayas at Mindanao. Tatlong araw din tayong nawala sa kalye. Nagbakasyon kasi ang ating editors, reporters at staff para mag-refresh o kumbaga sa sasakyan ay nag-change oil tayo.
Oo, ngayon ay handang-handa na uli tayo para sa maiinit na opinyon at paghahayag ng mga nangyayari sa paligid, lalo’t apat na buwan na lang ay halalan na.
Sa ilang araw kong pananatili sa aming probinsya, puro politika na ang pinag-uusapan – kung sino ang malakas sa presidentiables, governors, congressmen at mayors.
Sa presidente ay “hot topic” ang Roxas vs Binay vs Poe vs Duterte.
Pero laging nakasentro ang usapan kina Roxas vs Binay dahil sila ang may makinarya lalo na kapag kumilos ang kanilang mga lokal na kandidato.
Sa mga probinsya kasi, ang sinusunod ng mga botante ang sinusuportahan ng mayor. Ang mayor naman ay kumukuha ng “go signal” sa kanilang gobernador at kongresista kung sino ang dadalhing presidetiable.
‘Yan ang takbo ng politika sa probinsya. Siyempre higit na nakalalamang ang may dating at may datong!
Kaya asahang simula ngayon ay mas mainit na balitaktakan ng mga kandidato – batuhan ng putik at posibleng umabot pa sa madugong pangyayari. Tyak yan!
Mga kolorum nanghuhuli ng kolorum
– Ano ba ‘yan, Mayor ng Pasig!? Ang mga bata mo lakas manghuli ng mga kolorum na tricycle, ala ba hiya mga yan? Eh kolorum mga service sa panghuhuli at 12:45 noon. Tingnan mo service sa Plaza Rizal mga bata mo kolorum. – 09234663…
Bakit ‘di pa nilalagdaan ni PNoy ang SSS pension increase
– Sir Joey, bakit hanggang ngayon ay hindi pa nilalagdaan ni PNoy ang P2,000 increase SSS pension ng mga Senior Citizen? Matagal nang kanyang inupuan yan sa kanyang mesa sa Palasyo. Mamamatay na kami sa kahihintay maging epektibo yan para pagiginhawahin ang aming pamumuhay. – 09197194…
Hopefully ay mapipirmahan na ni PNoy ang P2,000 SSS pension ngayong taon. Wish ko lang!
Vendors sa islands sa Recto (Manila) buwagin na
– Mga vendor sa kahabaan ng Recto (Manila) lalo na po sa tapat ng Tutuban at 999 matatapang. Kasi nabili na raw nila mga puwesto nila. Pano po naibenta ang kalsada sa Recto? Sana buwagin na lahat mga yan lalo na po yung island. Kawawa naman kami sa loob ng mall. Tapos na po ang pasko kaya panahon na para linisin ng City Hakl yan. – 09955008…
Ang pramis noon ni Erap nang umikot siya sa Divisoria, aalisin niya ang vendors sa island at bangketa pagkatapos ng Kapaskohan at Bagong Taon. Anyare?
Drug pushers sa Maynila ginagatasan lang ng pulis
– Magandang Bagong Taon, Sir Joey. Sana po ay wag nyong ilabas ang numero ko sa diario. Delikado po. Isa lang po akong concerned citizen. Gusto ko lang po malaman ng kinauukulan kung talagang sumusupil po sila ng mga drug pusher/user. Huling huli po sa akto sa barangay na pinagdadampot, may mga ebidensya. Tatlong araw po sa presinto pero napakawalan din po kaagad. Hindi po na-inquest dahil naglagay po ng malaking halaga. Paano po kami tutulong sa pagsugpo ng mga ganyang klase ng mga kaso? Nagsasayang lang po kami at tinataya po namin name namin sa maselan na parte ng droga. Tapos nakawala rin dahil sa lagay. Ang nahuli po sa barangay namin ay 4 na babae at isang lalaki – sila Rowena, alyas Sima, alyas Oyie, Charizza. Magkakamag-anak sila at may mga dati nang kaso ng drugs. Sila ang nagkakalat ng droga rito. Ang iba pang nahuli ay hindi ko nakilala dahil hindi taga-rito. Dito po yan sa Brgy. 86 Zone 7. Nahuli po sila bago magbagong taon sa pagitan ng 9:00-10:00 ng gabi. Dami rin po dito video karera. Masyado po maluwag ang bentahan ng droga at iligal na sugal na video karera dito. Sana po makabalik sa Maynila ang matino at matapang na mayor ng Maynila, si Lim, para maubos na ang mga taong walang kaluluwa. Malinis na po sana sa drugs ang aming barangay at karating barangays. Salamat po. Happy New Year, Sir Joey. – Concerned citizen
REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc., Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015